
Rider sumalpok sa trailer truck tigok on the spot
DEAD-on-the-spot ang isang rider ng motor nang sumalpok sa trailer truck sa Mel Lopez Boulevard noong Huwebes sa Tondo, Maynila,
Taga 11th Avenue, Caloocan City ang biktimang si Francis Sepulveda, ayon sa report.
Nahaharap naman sa kasong homicide at damage to property ang 37-anyos na driver ng trailer truck (CAK- 4689).
Sa ulat ni Police Corporal Allanion Dela Cruz Aquino, bandang alas-4:00 ng umaga nang maganap ang aksidente.
Lumitaw sa pagsisiyasat na bumangga ang Honda motorcycle (780 UQD) ni Sepulveda sa trailer truck malapit sa main gate ng Manila International Container Terminal (MICT).
Nagtamo ng malubhang pinsala sa ulo ang biktima at namatay noon din.