Default Thumbnail

Ammonia tumagas sa planta sa QC!

December 28, 2023 Melnie Ragasa-limena 180 views

INILIKAS ang mga empleyado ng isang planta ng yelo sa Quezon City matapos tumagas ang ammonia nitong Huwebes.

Sa ulat ng Quezon City Fire District (QCFD) nangyari ang pagtagas sa Total Inc. Ice Plant na matatagpuan sa kahabaan ng Fernando Poe Jr. Avenue pasado alas onse ng umaga.

Agad na nagtalaga ng mga tauhan ang QCFD sa lugar upang suriin ang sitwasyon at sanhi ng pagtagas nng ammonia.

Ayon sa QCFD, lahat ng mga manggagawa sa planta ng yelo ay agad na inilikas upang maiwasan malanghap ng mga ito ang mga kemikal.

Maging ang mga nagtatrabaho sa mga kalapit na establisyimento ay inilikas din sa kanilang mga pinagtatrabahuan para sa kanilang kaligtasan.

Patuloy pang sinisiyasat ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nakasuot ng hazmat suit (hazardous materials suits) ang pinanggalingan ng tumagas na ammonia.

Wala namang naiulat na naospital dahil sa insidente.