Rhian

Rhian back to hosting, acting in films

March 13, 2025 Joey Aquino 185 views

NAG-PILOT airing na ang lifestyle show ni Rhian Ramos na “Where in Manila” sa GMA network nitong nakaraang Sabado, March 8.

Sa nasabing episode, ipinakita agad ni Rhian ang galing sa paghu-host ng ganitong show. Hindi na bago ito sa kanya dahil nabigyan na rin siya noon ng mga ganitong klase ng program sa kanyang home network.

Unang kumalat na ang Kapuso actress ang papalit sa public affairs program – Dear SV – ng kanyang boyfriend na si Sam Verzosa. Mas deserved daw ng aktres na bigyan ng sariling show, ani ni SV sa media launch mismo ng show na ginanap sa Winford Resort and Casino Manila kamakailan. Pansamantalang mawawala sa ere ang “Dear SV” kaugnay sa pagtakbo ni SV bilang mayor ng Maynila.

Balik sa pilot episode, nilibot ni Rhian ang Binondo at kasama niya si SV. Maganda ang banter nila sa kanilang food trip, natural na natural. Para ngang walang naka-focus na mga camera sa kanila. Obviously, they’ve got the hang of it – always seen together in public. Pero sa pagtatanong ng entertainment press, napag-uusapan daw nila ang tungkol sa kasal. Pero obvious na wala pa talagang definite plan kung kailan sila magpapakasal.

Rhian keeps herself busy taping for her show. Plus, promoting her upcoming movie “Sinagtala” (showing on April 2), with her co-leads Glaiza de Castro, Arci Muñoz and Rayver Cruz. Now, if SV wins in the the mayoral race, will Rhian be the most beautiful first lady of Manila? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolumn na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon.

Makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0966-883-2430 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE