Revilla

Revilla happy, hopeful sa historic trilateral meeting

April 15, 2024 PS Jun M. Sarmiento 56 views

NATUWA si Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa naganap na trilateral meeting ng Philippines, Japan at US noong Abril 11, 2024 na para sa kanya’y magpapatibay sa seguridad at ekonomiya ng Pilipinas.

“Three nations share a firm commitment to a free and open Indo-Pacific that is connected, prosperous, secure, inclusive and resilient welcoming coordination and cooperation with a wide range of partners who share these goals,” ani Revilla.

“I am very hopeful over this historic summit. Ang pagpapatibay ng ating relasyon sa Japan at Amerika at ang pagtutulungan sa pagitan ng ating mga bansa ay maghahatid ng higit na seguridad, kaayusan, at progreso sa ating rehiyon,” dagdag pa ng senador.

Nagkakaisa sa pagtalakay sina US President Joe Biden, Japanese Prime Minister Fumio Kishida at Philippine President Ferdinand Marcos, Jr. ng mga isyu sa kapayapaan, border, ekonomiya at negosyo sa Asia-Pacific.

Sinabi ng Pangulo ng US ang kanyang umano’y ironclad commitment gayundin ng Japan para sa seguridad at kapayapaan sa Indo-Pacific gayundin ang pagkilala sa kanilang obligasyon sa ilalim ng Mutual Defense Treaties ng US sa Japan gayundin sa Pilipinas.

“The United States defense commitments to Japan and to the Philippines are ironclad,” sabi ni Biden.

Ikinatuwa din ni Revilla ang pangako ni Biden matapos nitong ilahad na higit sa $1 billion mula sa US private sector investments ang ipapasok sa bansa para matulungan ang Pilipinas partikular ang kasalukuyan ekonomiya at adhikain sa clean energy at supply chain resilience.

Nagpahayag din siya ng matinding kagalakan sa paglulunsad ng Luzon Economic Corridor na konektado sa Subic Bay, Clark, Manila at Batangas.

Maituturing, ani Revilla, na malaking tagumpay ang biyaheng ginawa ng Pangulong Marcos Jr. na ayon sa paniniwala ni Revilla magdadala ng maraming oportunidad sa ating mga Pilipino.