
Resibo ng pagbubuntis inilabas ni Ellen
Matapos makapanganak noong Oktubre sa panganay nila ng mister na si Derek Ramsay, for the first time ay ipinakita na ni Ellen Adarna ang kanyang pregnancy photos sa latest Instagram post.
Matatandaang hindi ipinaalam ng dating sexy actress sa publiko ang kanyang pagbubuntis kaya’t marami ang nagulat nang biglang mag-post si Derek last October na nakapanganak na ang kanyang misis.
Sa mga larawang ibinahagi ni Ellen sa IG ay makikita ang kanyang baby bump at sey nga niya sa caption, ipinagdasal niya ang stress-free at tahimik na pagbubuntis na natupad naman.
“I prayed for a stressfree, quiet and peaceful pregnancy and God gave it. The only Bump photos / videos i have during this pregnancy,” ani Ellen.
Nagpasalamat din siya sa kanyang asawa na hinayaan siya sa kanyang mga trip that time.
“Dear husband @ramsayderek07 thank you for just letting me be, letting my pregnant hormones be – psycho(not the other way around) and for always reassuring me that im still loved even when im not so lovable (yes, he wrote that love note),” aniya.
Makikita nga sa larawan na may note pa si Derek na isinulat sa mirror at nakasaad dito na “I love you! No matter what you do!”
“And to my OB @jvgermar for teaching me patience. Pwede pa 3 more. joke! I dont miss being pregnant but i miss sleeping all day and eating everything #throwback,” pagtatapos ng wifey ni Derek.
Binara naman ng dating aktres ang netizen na nagkomento na late upload siya.
Sagot ni Ellen, “like DUhHHhHhh kamusta ung (brain) cells natin today.”
ANDREA NATULALA KAY DIREK JOYCE
Kung ire-remake muli ang Mexican telenovela na “Marimar,” walang ibang pinakabagay na gumanap dito kundi si Andrea Brillantes.
Ito ay bukod kay Marian Rivera na dati na ring gumanap na Marimar.
Kumasa si Andrea sa “Marimar Transformation Challenge” at ipinost niya ito sa kanyang social media account. Nag-viral agad ang video at umani ng katakot-takot na papuri si Andrea sa kanyang dance moves ala-Marimar.
Halos lahat ay nagsasabing perfect ang aktres to be the next Marimar kaya marami ang nagre-request na i-remake niya ito with Kyle Echarri as the leading man.
Nagkomento rin ang ina ni Andrea na si Belle Brillantes at ikinuwento na nag-audition pala ang anak niya sa “Marimar” ni Marian para sa role na anak ni Marimar.
That time ay four years old pa lang daw si Blythe.
“Just a trivia for all of you here, Blythe’s first ever audition was for the show Marimar. A casting agent called me a night before the audition, it was a bit of a rush kind of arrangement.
“She said the show is looking for a child similar to the looks of Ms Marian Rivera. They needed a child that will play the daughter of Marimar, Cruzita,” pagbabahagi ng ina ni Andrea.
Kabisado raw ng anak niya ang linya na sasabihin pero natulala ito nang makaharap ang direktor na si Joyce Bernal.
“In the audition, she was asked to have an exchange of dialogues with the director Joyce Bernal. Blythe at 4 yrs memorized a 4-5 sentence paragraph. But when faced wt direk Joyce she turned frozen,” kwento ni Mommy Belle.
“I do believe that everything happens for a reason. Maybe at that time it was not yet her time,” pahayag pa ni Mudra.