Julia tinawag na ‘better half’ ni Gerald
Mula sa pagiging auxiliary commander sa Philippine Coast Guard, na-promote na si Gerald Anderson at isa na siyang auxiliary captain ngayon.
Ginanap ang oath-taking ni Gerald para sa bagong ranggo noong Miyerkules base sa video na inilabas ng ABS-CBN.
Dumalo sa event ang girlfriend ni Gerakd na si Julia Barretto kasama ang mom nitong si Marjorie Barretto, ang ama ng aktor na si Gerald Randolph Anderson Sr. at ABS-CBN COO for Broadcast Cory Vidanes.
Ang namuno naman ng donning at oath-taking ceremony ay si Adm. Ronnie Gil Gavan, commandant ng Philippine Coast Guard, at si Sen. Robin Padilla.
Sa panayam ng ABS-CBN ay masayang-masaya ang aktor sa rekognisyon na natanggap.
“More than the rank, it’s just being here with amazing people. Na-recognize tayo ng idol natin sa ganitong sitwasyon and circumstances, ’di ba? Si Senator Robin Padilla pa ’yung nag-pass ng resolution for this to happen,” sey ng aktor.
“It’s always good to be here with the Philippine Coast Guard, nakapagbigay tayo ng high morale sa kanila, pinaparamdam natin sa kanila na we appreciate them,” dagdag pa niya.
Ibinahagi ng aktor sa panayam ang plano niyang magtayo ng squadron na kumpleto sa kagamitan para sa search and rescue missions, especially during calamities.
“That’s the goal. To have a search and rescue na mas equipped and ready. Kumbaga, kung nakita niyo nu’n sa video nu’ng Typhoon Carina, gamit ko is inflatable pool kasi ‘yun lang meron kami nu’ng time na ‘yon.
Iniimbita rin ni Gerald ang mga kaibigan niya sa showbiz na sumama sa team.
“I also wanted to invite mga celebrity friends ko, mga kasama ko sa celebrity basketball. Ipapasok ko sila sa squadron, and they will also go through that (Water Search and Rescue) kind of training,” aniya.
Proud na proud naman si Julia sa boyfriend. Aniya, “More than anything, I’m very proud to have been part of the celebration, to witness this milestone for him. I am so proud of him because he really does his duties and really goes out there. Love to help.”
During the ceremony ay “better half” nga raw ang tawag ni Gerald kay Julia.
“I’m just really happy. I’m really happy to be by his side and grateful that I get to be a part of this. At the end of the day, I really am just his partner who will always have his back,” pahayag ni Julia.
Nang matanong naman tungkol sa marriage plans, sey ni Julia, ine-enjoy muna nila ang mga nangyayari ngayon.
“We’re just taking it day by day, being present and enjoying this time together. I love watching him achieve a lot more things and watch him live his dreams. There’s so much dreams that is outside industry that we’re in order already. In the right time. In God’s time,” sey ni Julia.