
Rendon: Binura na ako sa FB ng Pilipinas
NABURA na umano ang umano’y social media account ng “motivational speaker” na si Rendon Labrador.
Sa kanyang Instagram account, nagbigay siya ng update kung saan sinabi nito na as of September 7, 12 p.m. ay hindi nito ma-access ang kanyang account. “Binura na ako sa Facebook ng Pilipinas.”
Humingi siya ng pasensya sa mga sumusuporta sa kanya at sinabi na hindi siya makapaniwala sa nangyari.
“Pasensya na sa lahat ng taga suporta natin at kasalukuyan na hindi ako makapaniwala at nagulat sa pagkawala ng aking Facebook page. Nagpapasalamat ako sa mga taong naniniwala at nagpapadala ng mensahe ngayon,” ani Rendon.
Sinabi naman niya na maglalabas siya ng opisyal na pahayag ukol sa problema nito.
Kamakailan lamang ay nabura na rin ang kanyang TikTok.