Kiray Mga larawan mula sa Facebook/Kiray Celis

Kiray sa loyal na dyowa: ‘Sarap magmahal’

September 7, 2023 People's Tonight 116 views

HINDI daw stressed ang actress-comedienne at entrepreneur na si Kiray Celis sa kanyang lovelife.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng komedyante ang ilang larawan ng sweet moments nila ng kanyang partner na si Stephan Estopia at kanyang pagtingin sa kalagayan ng kanilang lovelife.

Nagbigay ang aktres ng isang appreciation post sa kanyang dyowa at sinabing hindi ito nakaka-stress bilang kanyang partner.

“Ang sarap magmahal kapag hindi ka stress sa partner mo. Yung hindi siya dagdag sa alalahanin mo. Yung hindi na kailangan bantayan dahil alam niya yung tama at mali,” pahayag ni Kiray.

Saad pa ni Kiray na gusto niyang manatili sa relasyong may tiwala sa isa’t isa at bibigyan siyang motibasyon para magpatuloy sa buhay.

“Yung kahit pagod ka na, minomotivate ka niya magpatuloy. Ang sarap mag stay sa relationship na hindi issue ang tiwala at hindi nauubos ang oras sa pagtatalo. Naka focus lang kayo sa progress at success ng buhay niyong dalawa na magkasama,” wika pa ng actress-comedienne.

Nagbigay reaksyon naman ang kanyang partner sa post ng former kapamilya child actress.

“I love you very much mommy Kiray Celis! Thank you mommy sa tiwala at pagmamahal na binibigay mo sakin. Andito lang ako lagi naka’supporta, sabay natin aabutin lahat ng mga pangarap natin. Mahal na mahal kita asawa ko,” komento ni Stephan sa post ni Kiray.

AUTHOR PROFILE