Regal

‘Regal Studio Presents’ turns 2

September 23, 2023 Ian F. Fariñas 655 views

Regal1SAMA-SAMANG humarap sa press sina Royce Cabrera, Will Ashley, Shayne Sava, Althea Ablan, Dustin Yu, Miggs Cuaderno, Carlo San Juan, AZ Martinez, Larkin Castor, atbp. para sa pagdiriwang ng 2nd year ng Regal Studio Presents sa Kapuso network.

Ayon kay Roselle Monteverde, anak ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde, malaki ang pasasalamat ng Regal sa GMA sa tiwalang ibinigay nito para ihatid ang iba’t ibang kwento tuwing Linggo, 4:15 ng hapon.

Umaasa si Roselle na magpapatuloy ang partnership na ito sa paghahatid ng mga kuwentong tatatak sa puso ng mga manonood.

“Kapamilya at Kapuso na rin namin ang GMA,” dagdag pa niya, “matagal na kaming partners noon sa pelikula at sa programa since Mother Studio days, Regal Shockers at sana tuluy-tuloy lang po.”

Sa ikatlong taon ng programa, bibida sina Royce at Lianne Valentin sa episode na I Love You, Bien.

Sina Althea at Will naman ang tampok sa The Poster Boy; Miggs, sa family-oriented comedy na My Fake Family; Dustin at Shayne sa Mother, Mother, Where R U?; Carlo sa The Dream Band; AZ at Larkin sa isa pang bagong Regal Studio Presents.

Para naman kay Atty. Annette Gozon-Valdes, matagumpay ang Regal Studio Presents dahil sa family-oriented at wholesome episodes ng show.

Bukod sa Regal Studio Presents, ibinalita rin nila ni Roselle na may iba pang collaborations ang Regal at GMA na dapat abangan ng viewers.

AUTHOR PROFILE