
Ivana sa mga lalaking manloloko: Karma is real
Inamin ni Ivana Alawi sa kanyang latest vlog na minsan na rin siyang naloko ng lalaki. Ito nga raw ang something in common nila ni Andrea Brillantes
Si Andrea ang guest ni Ivana sa kanyang vlog at may mga tanong silang sinagot with matching mukbang.
Kasama rin nila ang younger sister ni Ivana na si Mona Alawi na siyang tagapag-tanong.
Isa sa mga tanong sa dalawa ay kung ano ang something in common nila at ang sagot ni Ivana, “Parehas kaming naloko.”
Umayon naman si Blythe. “Parehas kaming naloko kahit ang ganda-ganda na namin.”
Sagot naman ni Ivana, “Hindi lang naman sa ganda ‘yun, hindi lang makuntento ‘yung mga lalaki.”
Isa pang tanong sa dalawa ay kung ano ang masasabi nila sa mga taong manloloko.
“Wala, kakarmahin din sila,” mabilis na sagot ni Ivana. “’Di ba, parang wala kaming masabi. Quiet na lang kami. Karma is real. And kung ano ang gusto mong gawin sa ibang tao, mangyayari rin sa ‘yo.”
Agree naman si Blythe. Aniya, hindi sila pinapabayaan ni Lord.
“Ilang beses na kasing talagang si Lord ang nagpapakita ng sign sa akin talaga. Nahuhuli ko lagi, eh. So, parang do’n ko napatunayan na kapag magmamahal ako, hindi ko na kailangang maging toxic,” sabi ni Andrea.
Hirit ni Ivana ay hindi lang siya isang beses naloko ng lalaki pero hindi na siya nagdetalye pa.