Rayver

Rayver pakilig ang b-day message kay Julie Anne

May 17, 2024 Vinia Vivar 186 views

Kilig much ang JulieVer fans sa birthday greetings ni Rayver Cruz para sa kanyang girlfriend na si Julie Anne San Jose na nagdiwang ng kaarawan kahapon, May 17.

Binati ni Rayver ang GF sa Instagram.

“To my best friend, my constant, my soulmate and my love. Happy happy birthday to you! You are now officially 30 yay hehe!” simula ng aktor.

“Couldn’t be more prouder mahal. Alam mo namang andito lang ako palagi sa tabi mo kahit ano mangyari. Palagi ko na sinasabi toh pero ndi ako mag sasawa na maging number 1 fan mo for life,” ang sweet pa niyang mensahe.

Pinasalamatan din niya ang Asia’s Limitless Star sa pagpapasaya sa kanyang puso araw-araw.

“Thank you so much kasi araw araw mong pinapasaya ang puso ko mahal na mahal kita my Limitless Star,” he concluded.

Masayang-masaya rin ang puso ng fans sa napakatamis na birthday greetings ni Rayver kay Julie Anne.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“Yung habang nagbabasa ako palaki ng palaki ang ngiti wahhhhh kinikilig ako. Salamat sa inspiration na binibigay nyo saming mga taga hanga nyo. Stay in love, understand and respect each other. We love you both. Enjoy your day our beloved limitless.”

“Lahat naman ng sinasabi ng isang raymond Oliver sa U mahal naming japs comes from his heart. tysm Lord for choosing Him for Her.”

“Ayieee you’re the sweetest talaga, Ray! Happiest Birthday, Jules! We love you both so much!”

“Aww, as a fan, so happy for Julie that she met you who will love cherish her. Happiest Birthday again Julie! Wish you more blessings and happiness. we love you!”

KRIS BALIK ANG GANANG KUMAIN

Another good news sa estado ng kalusugan ni Kris Aquino ay bumabalik na ang food cravings nito.

Ibinahagi ito ng long-time friend/confidante ni Kris Aquino na si Dindo Balares.

“Bumabalik na ang food cravings ni Kris,” balita ni Dindo sa isang Facebook post.

“Sabi ng grandfathers ko (na parehong medicine man), ‘pag naghanap ng masarap na pagkain ang may karamdaman, pabalik na sa mabuting kalusugan ang katawan,” patuloy ng dating entertainment editor.

Tsika pa niya, nagsabi umano si Kris na nami-miss nito ang laing at lechon kawali.

“Simulang umalis ng Pilipinas at pumirmi sa US, kanina lang nabanggit ito ni Krisy sa akin: ‘I miss your laing and lechon kawali very much,’” ani Dindo.

Kaya ginawan naman ng paraan ng wife niya na mapadalhan si Kris sa US ng naturang mga pagkain.

Sa isang previous post, sinabi rin niya ang good news na tumatalab na kay Kris ang treatment na isinasagawa for her autoimmune disease.

“Finally, pagkaraan ng ilang taon nang pagpapagamot na walang nakikitang progreso, walang natatanaw na liwanag, tinablan na ito sa wakas ng itinaas na dosage ng methotrexate plus Dupixent,” pagbabahagi niya.

Kaya naman nagpaabot umano si Kris ng pasasalamat sa lahat ng taong nagdarasal para sa kanya.

AUTHOR PROFILE