Posas

Rape suspek sa Pasay natunton sa Laguna

November 25, 2023 Edd Reyes 355 views

ISANG suspek sa panghahalay sa Pasay City ang natimbog ng mga pulis noong Huwebes sa San Pedro, Laguna.

Ayon sa pulisya, naibiyahe na sa Pasay City Police Station ang naarestong si alyas Paul matapos masukol ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa San Pedro, Laguna.

Sa report ni Pasay police chief P/Col. Col. Mario Mayanes kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Mark Pespes, naisilbi ng mga tauhan ng WSS ang warrant of arrest sa akusado para sa mga kasong rape at acts of lasciviousness.

Sinabi ni Pespes na noon pang nakaraang taon nagsimulang magtago ang suspek matapos sampahan ng panghahalay at acts of lasciviousness ng Pasay City Prosecutor’s Office sa Pasay RTC.

AUTHOR PROFILE