Queenay

QUEENAY, NA-STARSTRUCK KAY JOSHUA

September 27, 2023 Vinia Vivar 371 views

Hindi makapaniwala ang content creator at TikTok star na si Queenay Mercado na matutupad ang matagal na niyang pangarap na makatrabaho si Joshua Garcia.

Kasama si Queenay sa pelikulang Fruitcake with Joshua at iba pang malalaking artista.

Ayon sa newbie actress, sobrang saya niya’t natupad na ang kanyang pangarap.

“Sa totoo lang po, hanggang ngayon ay hindi pa rin po ako makapaniwala. Sobrang natutuwa po ako at siyempre, ngayon po na nakikita ko na siya nang personal, sobrang hindi ko maipaliwanag,” sey ni Queenay sa ginanap na mediacon ng Fruitcake kamakailan.

Aminado siya na talagang na-starstruck siya nang makita niya si Joshua.

“Na-starstruck ako. Sobrang masayang-masaya ako dahil ‘yung kababayan ko, nakita ko na nang personal ngayon at bonus na naging parte pa ako ng Fruitcake,” aniya.

Kumusta naman ang experience niya habang ginagawa ang movie?

“Sa totoo lang po, siyempre, sobrang nao-overwhelm po ako. Kasi, panibagong blessing na naman na ibinigay sa akin ni Lord.

“And mapabilang dito sa cast ng Fruitcake, sobrang nagpapasalamat po ako sa Cornerstone, and siyempre, kay Direk Joel (Ferrer). Maraming salamat po sa opportunity.

“Kasi talagang dating-dati pa lang, nangangarap lang ako noong bata pa na sana, makita ako sa ganyang movie dahil nanonood din lang naman ako ng movie before.

“Pero ngayon, ‘eto na, nandito na ako, part na ako ng isang movie at sobrang masayang-masaya po ako,” aniya.

Isang siomai vendor ang papel ni Queenay sa pelikula na fan ng karakter ni Victor Anastasio.

Also in the cast are Enchong Dee, Ria Atayde, Heaven Peralejo, Jane Oineza, Dominic Ochoa, KD Estrada, Empoy Marquez, Alex Diaz, Markus Paterson, Noel Comia Jr., Victor Anastacio, Kat Galang, Macoydubs, Red Ollero, Pocholo Barretto, Kaila Estrada at Karina Bautista.

Hango ang title nito sa 1996 song ng Eraserheads.

Ang theme song ay bersyon nina Yeng Constantino at KZ Tandingan ng nasabing kanta. Produced ito ng Cornerstone Studios at Create Cinema.

AUTHOR PROFILE