Robin

Video ng ‘alaga’ ni Robin, naglaho sa social media

September 27, 2023 Vinia Vivar 633 views

“Man of the hour” si Sen. Robin Padilla dahil sa aksidenteng pag-hello ng kanyang private part habang nagla-live selling ang misis niyang si Mariel Rodriguez.

Sa ngayon ay hindi na makikita sa social media ang video ng naturang insidente at tanging photo na lang ang kumakalat kung saan ay may smiley emoji nang nakatakip sa parte ng “jun-jun” ni Robin.

Anyway, ang nangyari, biglang um-appear si Binoe sa online live selling session ni Mariel at nagtimpla ng food supplement na pino-promote nilang mag-asawa.

Makikita na naka-thobe (Muslim robe) lang ang aktor/politiko. Bigla siyang yumuko at dito na nga aksidenteng sumilip ang kanyang “alaga” dahil wala siyang suot na underwear.

Marami ang nakapanood sa video kaya kumalat agad ito sa social media. Sari-saring reaksyon ang mga netizen.

In fairness, hindi gaanong na-bash si Binoe dahil kitang-kita naman na aksidente ang nangyari. Isa pa, saglit lang iyon at medyo malabo ang video.

Ang ibang netizens, nagtatanong kung bakit umeksena ang aktor/politiko sa live selling ni Mariel nang walang underwear.

May nagkomento namang nasa bahay lang kasi ito kaya kampante siyang maglakad-lakad kahit walang suot na brief.

May nagkomento naman na talagang hindi nagsusuot ng underwear ang senador kahit noon pa.

Para naman sa iba, hindi na dapat palakihin pa ang isyu dahil hindi nga ito intentional at baka hiyang-hiya rin sila sa nangyari, lalo na si Binoe.

AUTHOR PROFILE