Default Thumbnail

PWD, 21, PINAGPARAUSAN NG ‘HELPER’

April 1, 2023 Edd Reyes 247 views

BUONG pananabik na pinasunod ng helper sa kanyang tinutuluyan ang 21-anyos na dalagang may kakulangan sa tamang pag-isip.

Mistulang hindi na nakita ng suspek na isang person with disability (PWD) ang biktima. Sa kanyang paningin, marahil ay isa itong kanasa-nasang babae at sariwang laman. Ilang sandali lamang ay inumpisahan na niya itong pagparausan.

Sinamantala ng 28-anyos na helper ang kakulangan sa wastong pag-iisip ng dalagang kapitbahay matapos kausapin at isama sa kanyang tinutuluyan para pagsamantalahan sa Malabon City.

Natuklasan lamang ang panghahalay ng suspek na kinilalang si Ritchie Paalisbo, residente ng Bgy. Muzon, nang magkuwento ang 21-anyos na dalagang may kakulangan sa tamang pag-iisip sa kanyang nakatatandang kapatid na naninirahan sa Valenzuela City, kaya’t kaagad itong humingi ng tulong sa pulisya para madakip ang suspek.

Sa ipinadalang ulat ni P/SSgt. Diana Palmones ng Women and Children Protection Desk kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, nagawa umanong dalhin ng suspek sa kanyang tinutuluyang barracks sa Kaunlaran Street, Bgy. Muzon ang dalagang PWD dakong alas-4 ng madaling araw nito lamang Huwebes at doon ginawan ng kahalayan.

Pasado alas-9 ng umaga nang malaman ng nakatatandang kapatid ng biktima ang naganap na panghahalay kaya’t hiningi niya ang tulong nina P/Cpl. Ellymar Villanuea at Pat. Arpon Marlon ng Malabon Police Sub-Station 7 na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nahaharap na ngayon ang suspek sa kasong rape in relation to Republic Act No. 7610 o ang Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act, sa Malabon City Prosecutor’s Office.

AUTHOR PROFILE