Broadcaster ACTION TIME–Agad inaksiyunan nina PTFoMS Executive Director Paul Gutierrez at MPD Director BGen. Andre Dizon ang sumbong ng broadcaster na si David Oro kaugnay sa banta sa kanyang buhay matapos makatanggap ng 3 bala. Kuha ni Jon Jon Reyes

PTFOMS, MPD kumilos vs death threat sa broadcaster

August 22, 2023 Jonjon Reyes 621 views

AGAD na umaksiyon ang Presidential Task Force On Media Security, sa pamumuno ni Undersecretary Paul Gutierrez, hinggil sa mga natanggap na pagbabanta sa buhay ni David Oro, isang batikang broadcaster, noong Lunes.

Ayon kay Oro, may nakitang 2 bala ang kanyang mga tauhan habang nagbibistay ng buhangin sa harap ng ginagawa nilang bahay noong Sabado.

Noong Agosto 21 bandang alas 10:30 ng umaga muling nakakita ng isa pang bala sa loob ng sako na may buhangin sa harap ng kanilang bahay.

Dito na na alarma ang pamilya ng broadcaster kaya agad na lumapit si Oro kay PTFOMS chief Gutierrez para humingi ng tulong.

Nakipag-ugnayan na si Gutierrez kay MPD Director PB Gen. Andre Dizon na magsagawa ng imbestigasyon at threat assessment hinggil sa sumbong ni Oro,

Agad naman inaksiyunan ng heneral at inatasan niya ang mga pulis ng MPD Ermita Police Station 5 at mga operatiba ng Tactical Motorcycle Unit ng MPD Malate Police Station 9.

Ipinagbigay alam din ni David Oro sa barangay ang mga pagbabanta sa kanyang buhay kay Barangay Chairwoman Edilyn Dimanlig.

AUTHOR PROFILE