
Port Of Subic, tatlong dekada na!
TATLUMPUNG taon na palang nagsisilbi sa bayan ang Port of Subic (POS).
Ang POs na pinamumunuan ngayon ni District Collector Mimel Manahan-Talusan, ang isa sa major collection districts ng Bureau of Customs (BOC).
Katatapos lang noong Hulyo 14 (Biyernes) ang halos isang buwang 30th founding anniversary celebration ng nasabing port of entry.
Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na ang 30 taong existence ng POS ay “three decades of unwavering commitment to excellence and service” sa mamamayang Pilipino.
Ayon kay Collector Talusan, nagsimula ang selebrasyon noong Hunyo 17 ng nagsagawa sila ng “outreach program” sa Aeta community sa Pastolan Village sa Olongapo City, Zambales.
Ang POS outreach program sa mga katutubong Aeta ay tinawag na “Shoes for a Cause.”
Noong Hunyo 24 naman ay nagkaroon ng “Port of Subic Olympix.” Sa araw na ‘yon ay may fun run, bike race at markmarnship training na dinaluhan ni World Champion Jethro Dionisio.
Dinaluhan ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio ng Batac City sa Ilocos Norte ang culminating ceremony noong Hulyo 14.
Dito pinarangalan ang mga magreretirong empleyado at ang mga dating district collector ng Port of Subic.
Sa kanyang talumpati, nagpasalamat si Collector Talusan, na dating hepe ng Port of Ninoy Aquino International Airport, sa lahat ng stakeholders at partner agencies ng POS.
Talagang napakalaki ang tulong ng stakeholders, kasama na ang mga importer, customs broker at partner agency, para magampanan ng POS ang kanilang mga trabaho.
Hindi ba, Pangulong Marcos, Finance Secretary Benjamin Diokno at Commissioner Rubio?
***
Nagpulong noong Huwebes, Hulyo 27, ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) at ehekutibo ng Philip Morris International (PMI) at Philip Morris Fortune Tobacco Corp.
Ang miting ay naglalayong lalong mapaganda ang ugnayan ng BOC at ang kilalang kompanya ng tabako.
Sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio na napakahalaga ang “close cooperation” and “information sharing” para matigil na ang “illegal trading activities” sa bansa.
Ayon kay Commissioner Rubio, ang iba’t ibang illegal tobacco traders sa ating bansa “have been very creative and aggressive in entering our markets.”
Sa totoo lang, kung saan-saan na lang nasasakote ng mga otoritad ang mga puslit na imported cigarettes, kasama na ang mga nakakabuwisit na pekeng sigarilyo.
Maliban sa nakakasama ito sa kalusugan ng tao, hindi pa nagbabayad ng buwis ang mga kontrabandong ito.
Sinabi pa ni Rubio na ang mga cigarette ismagler na ito ay kailangang maging “accountable, answerable and ultimately face the consequences of their nefarious activities.”
Si Director Verne Enciso ng Customs Intelligence and Investigation Service ay iginiit ang importansya ng “improvement ng customs mechanisms and identify gaps in strategies.”
Kamakailan nga ay nakasakote ang mga operatiba ng ahensya ng mga puslit na sigarilyo sa Indanan, Sulu na nagkakahalaga ng mahigit na P1.43 bilyon.
Maliban sa kampanya laban sa cigarette smuggling, naka-focus rin ang mga taga-BOC sa mga ismagler ng mga produktong agrikultura alinsunod sa utos ni Pangulong Marcos.
***
Maraming daluyan ng tubig, kabilang na ang mga ilog at sapa, ang madaling umapaw noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong “Egay.”
Dahil dito ay binaha ang mga mabababang lugar malapit sa mga waterways na ito.
Maraming pananim ang sinira ng mga rumaragasang flood water mula sa mga umapaw ng ilog, sapa at drainage canals.
Kaya dapat i-dredge ng mga otoridad ang mga daluyan ng tubig na ito para sila’y lumalim.
Kahit pala may El Nino phenomenon sa bansa ay puwede palang magkaroon ng malalakas na pag-ulan kung may sama ng panahon na kagaya ng bagyo at low pressure area.
Ang mabuti pa ay regular na ipa-dredge ang mga daluyan ng tubig para hindi basta napupuno ng tubig-ulan.
Mas makatitipid ang gobyerno kung i-dredge ang mga ito bago pa dumating ang tag-ulan para hindi magkaroon ng pagbabaha na hahantong sa forced evacuation ng mga residente.
Malaki ang gagastusin ng gobyerno kung ilang araw nitong pakakainin at aalagaan ang mga evacuee sa ibat-ibang evacuation centers sa bansa.
Hindi ba, Executive Secretary Lucas Bersamin?
(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/ema:[email protected]. Ilagay lang ang buong oabgalan at tirahan.)