
Pops at Martin ayaw lokohin ang fans para bumenta ang concert
Sa tinagal-tagal ng panahon na hiwalay na sina Martin Nievera at Pops Fernandez and are really good friends na lang, mayroon pa rin silang solid fans na gusto silang magkabalikan hanggang ngayon.
Ang tawag nga raw nila sa fans na ito na umaasa pang magkabalikan sila ay “Team Hopia,” hopia meaning ‘hope.’
Aminado ang ex-couple na medyo nawi-weird-duhan sila na sini-ship pa ng fans na magkabalikan sila pero naiintindihan nila ang mga ito.
“Of course, we understand that in their minds or their wish is, ‘yun nga nga, magkabalikan kami, but we’re not naman leading them and pretending that we’re getting back together,” sey ni Pops sa mediacon nila ni Martin kahapon para sa kanilang upcoming pre-Valentine concert.
“That for me is very important kasi ayaw naman naming mag-pretend. What they see is what they get,” dagdag pa ng Concert Queen.
Honest naman daw sila sa kanilang fans at ito rin siguro ang dahilan kaya tinatangkilik pa rin ang kanilang tandem.
Sabi naman ni Martin, never nilang niloko ang publiko hinggil sa real score between them.
“There’s a fine line, eh, to tease your audience and also to make them feel stupid. You know, we don’t want ever, even in our separate careers to treat our audience like they’re stupid, like they’re dumb, like they don’t know the truth.
“Let’s not do that, let’s not talk down to the audiences. They know so much because of social media, and because of all of you (press), they know everything about us.
“So, let’s not fool them just for the sake of money,” pahayag ni Martin.
“We really work well together. This is really a great team. Whether or not we had a past,” dagdag pa ng Concert King.
Bagama’t maraming challenges na pinagdaanan ang kanilang tandem pati na rin ang kanilang marriage before, masaya sina Pops at Martin na nalampasan nilang lahat ‘yun at ngayon ay maayos na ang kanilang relasyon bilang magkaibigan, magkatrabaho, magulang ng dalawang anak nilang sina Robin at Ram at bilang lolo at lola ng kaisa-isa nilang apo na si Finn.
Once again, masasaksihan ng kanilang fans ang walang kupas nilang chemistry sa “Always & Forever” na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa February 7.
Ang nasabing concert is also a celebration of their 40th anniversary as an iconic musical tandem kaya naman excited sila at marami silang inihandang numbers for their fans.