Angel

X account ni Angel, na-hack!

January 14, 2025 Vinia Vivar 119 views

Na-hack ang X (dating Twitter) account ni Angel Locsin.

Ito ang inanunsyo ng team ng aktres sa Facebook ngayong araw kasabay ang pagbibigay ng babala sa publiko.

“Warning.

“A series of reposts was made by Angel Locsin’s X account @143redangel yesterday. This was not Angel.Please do not click on the links posted,” ang announcement na mababasa sa verified FB page ni Angel.

“She is currently working on getting back access to her account,” saad pa sa post.

Maging ang asawa ni Angel na si Neil Arce ay nag-post din sa kanyang Instagram Story para ipabatid ito.

“X account of Angel was hacked,” ang saad ni Neil.

Medyo matagal-tagal na ring hindi aktibo si Angel sa kanyang social media accounts at maging sa showbiz ay hindi na rin siya aktibo.

Kung hindi kami nagkakamali, she’s been in hiatus for more than three years now.

Ayon naman sa best friend ni Angel na si Dimples Romana ay happy ang kanyang kaibigan at ini-enjoy ang married life kapiling ang kanyang hubby.

AUTHOR PROFILE