Pokwang

Pokwang, wagi sa deportation case laban sa dating dyowa

December 23, 2023 Vinia Vivar 148 views

Nanalo si Pokwang sa kanyang isinampang petition for deportation laban sa dating partner na si Lee O’Brian.

Lumabas ang eight-page resolution ng Bureau of Immigration (BI) noong Dec. 12 at ipinapa-deport na si Lee, na ang tunay na pangalan ay William Lee O’Brian, dahil sa paglabag sa terms and conditions ng pananatili sa bansa by working in movie and TV projects.

Bukod dito ay inilagay na rin ang ex-partner ni Pokwang sa BI blacklist for violation of his work visa (work in a different company) at kinansela na rin ang kanyang pre-arranged employment visa.

Nakasaad din sa resolusyon ang mga ginawang project ni Lee sa bansa from 2016 to 2023, which violated the terms and conditions of his stay in the country.

Ang nasabing resolusyon ay pirmado ng tatlong members of the Board of Commissioners, namely, Commissioner Norman Tansingco, Deputy Commissioner Joel Anthony Viado and Deputy Commissioner Daniel Laogan.

Matatandaang nagkaroon ng relasyon sina Pokwang at Lee noong 2014. Meron silang isang anak, si Malia, na ipinanganak noong 2018.

In 2021, inanunsyo ng komedyana na hiwalay na sila at nito lamang nakaraang Hunyo ay nag-file siya ng deportation case against her ex-partner.

AUTHOR PROFILE