Pokwang

Pokwang, naghain ng petisyon para ma-deport ang Amerikanong ex-dyowa

June 13, 2023 Ian F. Fariñas 398 views

NAGTUNGO kahapon si Pokwang sa tanggapan ng Bureau of Immigration para maghain ng petisyon na ma-deport ang Amerikanong ex-dyowa na si Lee O’Brian.

Ayon sa komedyana, tourist visa lang ang gamit ni Lee habang naninirahan at nagtatrabaho sa bansa sa loob ng walong taon.

Kasama ni Pokwang sa pagharap sa BoI ang legal counsel niyang si Atty. Ralph Calinisan.

Sa kanyang Instagram post, in-upload ni Pokwang ang dokumento ng petisyon sabay sabing, “This is it!”

Sa caption, sinabi niya na ang hakbang ay “para sa karapatan ko at ng anak ko. para sa mga kapwa ko babae at sa bayan ko.”

Sa interbyu naman ng showbiz press, binanggit ng komedyana ang diumano’y emosyonal na pang-aabuso ni Lee sa kanya pati na sa batas ng Pilipinas at ang hindi nito pagtupad sa obligasyon bilang ama sa lovechild nila.

May isang anak ang dating mag-live-in partner, ang five-year-old na si Malia.

AUTHOR PROFILE