Juday

Judy Ann gustong bumalik sa GMA7

June 14, 2023 Aster Amoyo 527 views

BUKAS ang tinaguriang Queen of Teleserye na si Judy Ann Santos na muling magtrabaho sa bakuran ng GMA. Ito ang pahayag ng misisni Ryan Agoncillonangito’ymaging special guest ng “Fast Talk with Boy Abunda” last Tuesday afternoon sa 100th episode ng programa.

Ayon sa award-wining actress, chef and restaurateur, nakagawa siya noon ng pelikula under GMA Films ang “Quija” at naging guest co-host din siya sa dating Sunday musical show ng Kapuso Network, ang “SOP”.

Although marami nang offers kay Juday na muling gumawa ng TV series, tinanggihan niya ang mga ito dahil mas gusto niyang kontrolado ang oras laluna para sa kanyang pamilya na siya niyang priority ngayon.

Kung noon ay tumatagal ng maraming taon ang mga ginawa niyang TV series tulad ng “Mara Clara” at “Esperanza,” ayaw na umano niyang gumawa nang matagalang serye. Pero kung mini series ay bukas umano siyang gawin ito.

Juday started her acting career when she was 8 in 1986

Sa pamamagitan ng seryeng “Kaming mga Ulila”. Two years later ay siya na ang bida in “Ula, Ang Batang Gubat” in 1988.

Tulad ng ibang mga baguhan, gumawa rin siya noon ng mga supporting roles tulad ng “Impaktita” in 1989, sa “Regal Shocker: The Movie” maging sa pelikulang “Dyesebel”.

Nagsimula namang umarangkada ang career ni Juday nang gawin niya ang hit TV series na “Mara Clara” sa ABS-CBN nung 1992 at ito’y tumagal hanggang 1997. Dito rin nagsimula ang career ng La Primera Contravida and Judy Ann’s best friend and kumare na si Gladys Reyes. Pagkatapos ng “Mara Clara” ay agad namang ginawa ng actress ang “Esperanza”.

Sa seryeng “Mara Clara” unang nabuo ang tambalan nila ng dancer-actor an si Wowie de Guzman na muli niyang nakatrabaho sa “Esperanza” at ilan pang serye and hit movies.

Sa “Esperanza” TV series naman sila unang nagkatrabaho ni Piolo Pascual na sandal rin niyang naka-loveteam. Marami rin ang naniniwala na nagkaroon ng ugnayan ang dalawa pero sadyang masikreto si Juday pagdating sa kanyang lovelife.

Ang TV series na “Mara Clara” ay ginawa ring pelikula nung 1996 at siyang nakapagbigay kay Juday ng Best Actress trophy mula sa FAMAS Awards. On same year ay siya rin ang ginawaran ng German Moreno Youth Achievement Award.

Naging bahagi rin noon si Juday ng youth-oriented series ng ABS-CBN, ang “Gimik” nung 1996.

It was in 2004 nang magsimulang gumanap si Juday sa mga adult roles na kanyang sinimulan sa pelikulang “Sabel” na dinirek ng premyadong director na si Joel Lamangan. Ang nasabing pelikula ang siyang nakapagbigay sa kanya ng kanyang kauna-unahang Gawad Urian Award. Siya rin ang ginawaran ng Golden Screen Awards bilang Best Actress.

Unang nagtambal sina Juday at mister na niya ngayon na si Ryan Agoncillo nung 2004 sa TV series na “Krystala” at dito nagsimulang ma-develop ang pag- iibigan ng dalawa na nauwi sa kanilang engagement in May 2008 at sa kanilang pagpapakasal in San Juan, Batangas nung April 28, 2009.

Ang mag-asawa ay nabiyayaan ng tatlong anak, ang kanilang adopted daughter na si Yohan and their two biological kids na sina Lucio at Luna.

‘Hosto,’ umiral ang magandang kuwento kaysa sex scenes

VinceFIRST time kaming nakarating sa Center Stage Productions building na p ag-aari ng award-winning director-producer na si Brillante Mendoza. Ito’ymatatagpuan sa Busilak St. ng Barangka Drive, Mandaluyong city. Dito ginanap ang special screening cum presscon ng upcoming Vivamax movie, ang “Hosto” na dinirek ng young filmmaker na si Jao Daniel Elamparo, ang pinakabagong director na binigyan ng break ni Direk Brillante. Ang pelikula ay pinagbibidahan nina Vince Drillon at Angela Morena kasama sina Denise Esteban, Jay Manalo, Ali Asistio, Alexa Ocampo, Rey `PJ’ Abellana at Isadora.

Ang ‘Hosto’ ay pinagbibidahan ng award-winning actor na si Vince who played the role of Patrick na isang family man na gagawin ang lahat para sa kanyang asawa’tanak.

Dahil sa kanyang pangarap na makapag-aral sa Japan at matulungan ang kanyang pamilya, pumatol siya sa isang understanding and supportive gay na si Daniel (Jay Manalo). Dahil sa kanyang benefactor, nakapunta si Patrick sa Japan at natupad ang kanyang mga pangarap for his family. Pero hindi naging madali ang buhay kay Patrick sa Japan. Bukod kasi sa kanyang asawa’t anak, sa kanya rin umaasa ang kanyang magulang at kapatid kaya sobra niyang inalila ang sarili sa by doing multiple odd jobs. Para kumita ng extra at mas malaki ay napilitang siyang maging hosto at makipagtalik sa kanyang customer for money.

Sa kanyang tinutuluyang bahay in Japan ay nakilala niya si Richard (Ali Alison) na isang entertainer na nagtatrabaho bilang hosto sa isang bar. He would go to bed with his customers to earn money. Nakilalarin niya ang anak ng kanyang kasera na si Thea (Angela Morena) na nagta-trabaho naman sa isang hotel. Nahulog ang loob nito kay Patrick kahit alam niyang may pamilya ito sa Pilipinas. Since Japanese citizen si Thea, inalok niya ng kasa lsi Patrick para matulungan nito ang kanyang pamilya. Pero naging resistant ang asawa ni Patrick sa idea at hindi ito pumayag sa proposal ni Thea.

Unlike most, if not all Vivamax movies na apaw sa sex scenes, kakaiba ang treatment ni Direk Jao sa “Hosto” dahil nangibabaw ang magandang kwento at drama scenes ng pelikula. Hindi rin kami magtataka kung muling makakakuha ng Best Actor award ang young actor for his challenging performance in the movie.

Si Vince ang tinanghal na Best Actor sa 19th Asian Film Festival in Rome nung nakaraang taon (2022) para sa pelikulang “Resbak” na dinirek ni Brillante Mendoza.

Ang “Hosto” ay matutunghayan on Vivamax streaming app simula sa June 16.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE