Plantito Abangan ang kilig sa fan meet ng My Plantito sa Setyembre 16, sa Puregold QI Central.

Plantito Party: Pinakabagong Tiktok serye ng Puregold Channel

September 12, 2023 Eugene E. Asis 200 views
Plantito1
Mas makikilala sa My Plantito fan meet ang papasikat na si Kych Minemoto.

SHOUT out sa lahat ng manonood ng pinakabagong kinababaliwan mula sa Puregold Channel: My Plantito! Maghanda na sa isang hapon na puno ng kilig at pagkasabik–sa My Plantito Fan Meet, na gaganapin sa Setyembre 16, 4:00 p.m., sa Puregold QI Central Store.

Isang linggo pa lamang ipinalalabas ang My Plantito pero nabingwit na nito ang puso ng mga netizen dahil sa kombinasyon ng romansa, komedya, at saya. Itinatampok ang kagiliw-giliw na si Kych Minemoto bilang Charlie at ang misteryosong si Michael Ver bilang ang Plantito na si Miko, naging sikat na sa Tiktok ang serye, at bawat episode ay nakalikom na ng higit sa milyong mga view.

Dahil namangha sa naratibo ng kuwento at ang pag-arte ng mga kalahok na bida, kinasasabikan na ng mga manonood ang kauna-unahang fan meet kung saan maaaring makasalamuha ang mga bidang sina Kych Minemoto at Michael Ver, at ang iba pang miyembro ng cast na sina Ghaello Salva, Elora Espano, Devi Descartin, at Derrick Lauchengco.

Sa gabay ng producer na si Chris Cahilig at direktor na si Lemuel Lorca, paniguradong marami pang nakatutuwang handog ang serye sa susunod nitong mga episode.

Mag-subscribe sa Puregold Channel sa YouTube. Para sa mas marami pang update, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at ang @puregoldph sa Tiktok.

AUTHOR PROFILE