Aga

Aga may mga ‘di masabi sa pagpapaalam kay Manay Ethel

September 12, 2023 Aster Amoyo 322 views

ISANG malungkot na mensahe ang ibinahagi ni Aga Muhlach para sa veteran entertainment columnist at talent manager na si Ethel Ramos, na pumanaw nitong Linggo, September 10, sa edad na 87.

Sa pamamagitan ng Instagram post, inilahad ng aktor ang kanyang saloobin tungkol sa pagkamatay ng kanyang longtime talent manager.

“Rest and go in peace my dearest ‘ta Ethel,” panimulang sabi ni Aga bago sariwain ang tatlong dekada nilang pagsasama.

Patuloy niya, “Don’t even know where to begin… 30 years of love, laughter, arguments, tsismis, pangarap, hard work to name a few We all shared together and we just loved and embraced each other . I will miss you.

“I am forever grateful to you and what you’ve done for me. We’ve talked about death so many times that we both know we are ready. Lahat naman tayo dadating diyan. So much more to say but I’ll just leave it at this.

“Mahal ka naming lahat na tinulungan at minahal mo. Habambuhay ka sa puso ko. Pls pray for us na naiiwan pa dito. Rest in eternal peace dearest tita Ethel. I love you very much.”

Sa huling bahagi ng kanyang post, mapapansin ang matinding lungkot na nadarama ni Aga.

“Don’t worry about me, you’ve taught me so much in life. We’ll be just fine. Hurt, sad but kaya to. Again, rest in peace . You are with our creator now 🙏🏼 Your son, Aga. Ang Dami ko pa gusto sabihin…. D ko na din alam.. basta.. 💔😞”

Bukod kay Aga, nakilala si Ethel, o Manay Ethel sa mga kakilala sa showbiz, bilang talent manager noon nila Claudine Barretto, Ina Raymundo at Angel Locsin. Kinikilala rin siya bilang “Dean of Entertainment Writers.”

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng kanyang pamangkin na si Farah Ramos ang mga detalye ng lamay ni Manay Ethel.

Donita nasagad sa pagkakaibigan nila ni Super Tekla

“TOTOO bang may point na sinukuan mo na ang pagkakaibigan ninyo ni Tekla at pawang professional relationship na lang ang mayroon kayo?”

Ito ang naging tanong kay Donita Nose ng Sarap, ‘Di Ba? host na si Carmina Villarroel nang umupo sa hot seat ang kilalang comedian nitong September 9.

Natawa man si Donita ay sinagot niya naman ang controversial question na ito.

Saad ni Donita, “Honest ako. Dumating sa point.”

Paliwanag ni Donita, napanood naman ng kanilang followers na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Super Tekla.

“Kinausap ko ‘yun actually, nasa vlog namin ‘yun. ‘Yung umiyak na talaga ako. Sobrang wala, desperado na ako na parang hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya.”

“Sumuko talaga ako that point. Siguro mga ano rin, nine months kaming ‘di nag-usap,” dugtong ni Donita.

Ayon kay Donita ngayon ay maayos na sila ni Tekla.

“Okay naman na kami. Siya kasi medyo ‘yung utak talaga noon minsan ganoon e. Minsan nawawala, nagaganito, nagaganyan.”

Inilahad rin ni Donita na gusto niya talagang matulungan ang kaibigan.

“Ako ‘pag gusto ko siyang ayusin, to the point na kaya ko naman at kaya kong tumulong, kaya ko siya pagsabihan, ginagawa ko naman. Pero kung ‘yung tao kasi hindi na talaga kaya ‘yung mga sinasabi ko talagang bibitaw ka.”

Ayon pa sa comedian, nag-reach out si Tekla para magkaayos na sila muli at ngayon ay magkatrabaho na rin sila sa mga shows.

“Okay kami. Siya naman nag-reach out. Sabi niya ”Te halika na mag-vlog na tayo ulit. Kakatapos lang ng tour namin, ‘yung Canada. May upcoming shows pa kami na magkasama.”

Inamin rin ni Donita na una niyang sinabi na maging professional na lang sila ni Tekla para sa kanilang trabaho bilang mga komedyante. Pero naniniwala raw siyang kailangan may maganda silang relationship bilang magkaibigan.

“Minsan nga sinasabi ko sa kanya na maging professional na lang tayo, parang ganoon trabaho lang tayo. Pero hindi pa rin e. Hindi mo pa rin talaga magagawa nang tama ‘yung trabaho ninyong dalawa kung mayroong namamagitan sa inyo na parang trabaho lang ‘to.

“Mas maganda ‘yung parang magkaibigan tayo, gawin natin ito,” pagtatapos ni Donita.

May off limits sa tambalan nina Barbie at David

BarbieFULL support si Jak Roberto sa bagong proyekto ng girlfriend niyang si Barbie Forteza at ng love team partner nitong si David Licauco, ang TV adaptation ng Maging Sino Ka Man.

Sa Instagram Story niya noong Lunes, September 11, ibinahagi ni Jak ang countdown art card ng bagong GMA action-drama series.

Kahit ilang beses mang na-isyu ang BarDa, may complete understanding ang real-life couple na sina Barbie at Jak tungkol sa kanilang trabaho bilang aktor.

Ayon kay Barbie, never nagselos ang boyfriend niya sa leading man niyang si David.

Paliwanag ng aktres, aware sila ni David na may limitasyon din ang kanilang tambalan.

“As per the fans, as grateful as we are for the support nila sa amin na kahit hindi namin hiningi, ibinigay nila sa amin nang buong puso. Siyempre, sabi nga po ni Ms. Lea Salonga, we have to set our personal boundaries because, at the end of the day, tao po kami so I guess David will agree with me ‘yung personal lives namin outside this partnership, outside this love team are off limits.

“The people that make us happy, the people that love us, family, loved ones, off limits po ‘yun, hindi po ‘yun kasama sa trabaho.”

Ito ang pangalawang serye nina Barbie at David matapos ang Maria Clara at Ibarra kung saan sila nakilala sila bilang FiLay.

AUTHOR PROFILE