Gibo Defense Sec. Gilberto ‘Gibo’ Teodoro

PLA uniform, baril, medals sa ni-raid na POGO ‘wag ipagwalang bahala

June 14, 2024 PS Jun M. Sarmiento 316 views

SINABI ni Sen. Sherwin Gatchalian na hindi dapat ipagwalang bahala ang mga nakitang uniporme ng PLA (People’s Liberation Army), mga baril, medalya ng militar na sundalo ng China sa mga ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa Pampanga.

Ayon kay Gatchalian, mas inaayunan niya ang pananaw ni Defense Sec. Gilberto Gibo Teodoro na i-total ban na ang mga POGO dahil banta sa ating seguridad ang mga ito.

Sinabi ni Gatchalian na makatotohanan ang pananaw ni Sec. Teodoro dahil sa lumalakas na impluwensiya nito sa ating lipunan at sa sektor ng ating pamahalaan.

Ipinunto ni Gatchalian na lahat ng ebidensiya, kasama na ang uniporme ng mga militar na Tsino, boots, medals, mga hacking equipment, gayundin ng mga surveillance equipment na nakita na sa mga POGO hubs na ito, hindi pwedeng ipagkibit balikat lamang.

Nauna rito ay sinabi ni Defense Sec. Teodoro na posible na ang China ang nasa likod nito. “China may be behind these illegal POGOs to weaken an enemy,” sabi ni Sec. Teodoro

Ayon kay Senate President Francis Escudero, tama si Sec. Teodoro na dapat isara ang lahat nang illegal na POGO.

“I agree with Secretary Teodoro who seems to be referring to illegal POGO operations because he said that ‘do not operate as intended.’

In fact, all illegal POGOs should be closed whether they are close to our military bases or not, and their perpetrators arrested,” ani Escudero.

Sinabi rin ni Escudero na sa simulat simula pa pabor siya sa operasyon ng legal na POGO ngunit tutol naman siya sa illegal na operasyon nito.

Nilinaw ni Escudero na kung ang isyu ng sugal ang problema ay dapat ipasara lahat ng uri nito maging ang mga gambling aniya sa casino.

Para kay Sen. Risa Hontiveros, sinusuportahan niya ang pananaw ni Teodoro na i-total ban na ang POGO dahil sa banta nito seguridad ng bansa.