Tirzo

Pip nag-resign sa FDCP, personal ang dahilan

March 13, 2024 Aster Amoyo 136 views

HINDI pa namin personal na nakakausap ang veteran actor at chairperson ng Film Development Council of the Philippines na si Tirso Cruz III sa dahilan ng kanyang pagre-resign sa kanyang posisyon. Si Pip (as he is fondly called in showbiz) ay nagsumite na ng kanyang resignation sa tanggapan ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. at ito’y tinanggap.

Personal umano ang rason kung bakit binitawan ni Pip ang kanyang puwesto. Ang Head/Project Development Officer V at OIC ng Film Education Division Film Festival ng FDCP na si Rica Leticia Arevalo ang ginawang OIC habang nag-iisip pa umano ang Malacanang kung sino ang ipapalit sa puwestong binakante ng veteran actor. Lumulutang ang pangalan ng award-winning writer-director at Technical Assistant ng FDCP (sa ilalim ng termino ni Pip) na si Direk Joey Reyes ang susunod umanong chair ng ahensya. Pero mananatili itong espekulasyon hangga’t hindi naga-announce ang Malacanang ng bagong mamumuno ng ahensiya.

Of course, ang isa pang most qualified for the job ay ang dating FDCP chair na si Liza Dino who did wonders for the film agency.

Pinamunuan ni Pip ang FDCP since he took office nung July 2022 hanggang sa kanyang pagbaba sa puwesto effective March 1, 2023 na hindi man lamang niya pinaabot ng dalawang taon.

Michael V malaki ang respeto sa TVJ

Michael VSAKALING naisin ng GMA management na muling magbuo ng sarili nilang noontime show ay kaya itong pangunahan ng kanyang in-house talent, ang actor-comedian at creative director-actor ng top-rating and longest-running gag show na “Bubble Gang” na si Michael V. Pero hindi pa man ito naiisip ng Kapuso network ay may nagtanong na sa actor-comedian kung posible ba itong mangyari. Pero agad nitong sinabi na hindi umano niya ito tatanggapin dahil marami siyang pinagkakaabalahan na siyang dahilan kung bakit siya noon nag-resign sa dating “Eat Bulaga” na kinabibilangan pa noon nina Tito, Vic & Joey at iba pang Dabarkads.

Lumutang din nung isang taon ang pangalan ni Michael V. na magiging bahagi rin umano siya sa noontime program na inalisan ng TVJ at Dabarkads, ang new “Eat Bulaga” which was later replaced by “Tahanang Pinakamasaya” na agad ding pinabulaanan ng Pinoy henyo.

Naniniwala ang marami na hindi magagawang tapatan ni Michael V. ang programa ng TVJ, ang “Eat Bulaga” sa TV5 bilang respeto sa tatlong TV icons na kanyang mga kaibigan at nakasama sa old “Eat Bulaga” on GMA.

GMA used to produce their own noontime shows at kasama na rito ang “Lunch date” at “SST: Salo-Salo Together” bukod pa sa long-running show na “Student Canteen” ng Program Philippines, Inc. ng mga yumaong sina Eddie Ilarde, Bobby Ledesma at Pepe Pimentel among others which also aired on GMA.

Sa rami ng pool of talents ng GMA, kayang-kaya nilang muling bumuo ng sarili nilang noontime program to replace “Tahanang Pinakamasaya”which bowed out on March 7, 2024.

Dennis may bagong inspirasyon, kumusta ang mga anak?

DennisMAY bagong inspirasyon ngayon ang actor-comedian at occasional director na si Dennis Padilla, ang 27-year-old non-showbiz na si AJ Tope from Bulacan.

It was during the pandemic nang magkahiwalay sila ng kanyang ex-partner, ang Fil-Australian na si Linda Gorton kung kanino siya may dalawang anak na sina Gavin at Maddie na parehong nasa poder ng kanilang ina sa Australia. But Dennis is regularly in touch with his two children na balak niyang dalawin this year.

Pito lahat ang mga anak ni Dennis sa tatlong magkakaibang babae na naging bahagi ng kanyang buhay – ang kanyang unang ex-wife, ang dating actress na si Monina Gatus (na may iba nang pamilya sa Amerika), his second ex-wife na si Marjorie Barretto at ang Fil-Australian na si Linda Gorton.

Dalawa ang anak ni Dennis sa kanyang unang misis na si Monina na sina Diane at Luis, tatlo kay Marjorie na sina Julia, Claudia at Leon at dalawa naman kay Linda na sina Gavin at Maddie.

Nasa Amerika ang pinakapanganay sa pitong anak na si Diane habang maganda naman ang trabaho ng kanyang second child na si Luis na nagtapos ng Political Science and Government sa De la Salle University and took his Public Administration masters sa University of the Philippines.

Sa apat na anak ni Dennis kay Marjorie, tapos na sa kanyang pag-aaral sa Ateneo de Manila University ng Psychology habang malapit na ring magtapos sa kanyang studies sa University of Asia & the Pacific si Leon where he is taking up Marketing course.

Nasa grade school pa lamang ang dalawang anak ng actor-comedian kay Linda na sina Gavin at Maddie.

Sa pitong anak ni Dennis, lima lamang sa kanila ang nasa Pilipinas – sina Luis, Julia, Claudia at Leon pero tanging si Luis lamang ang madalas niyang makita at makausap. Ang mga anak niya kay Marjorie ay may tatlong taon o mahigit pa na hindi niya nakikita at nakakausap man lamang pero binati umano siya ni Julia through text sa kanyang 62nd birthday last February 9 bagay na ikinatuwa ng actor-comedian.

Dennis was only 9 years old bilang child actor nang magsimula siya sa showbiz sa pamamagitan ng pelikulang “Totoy Bato” na pinagbidahan ng yumaong movie king na si Fernando Poe, Jr. kung saan ay paborito nitong sidekick ang namayapa na ring ama ni Dennis, ang komedyanteng si Dencio Padilla (na ang tunay na apelyido ay Baldivia). Dennis played the young Totoy Bato habang sa pelikulang “Asedillo” ni FPJ ay gumanap naman siyang anak.

“Maraming beses akong napasama sa mga pelikula ni Tito Ron (FPJ). Mahal na mahal po niya ang tatay (Dencio) ko,” pagbabalik-tanaw ni Dennis.

Ikinuwento sa amin ni Dennis kung bagong Dencio Padilla ang naging screen name ng kanyang yumaong ama.

“Nung nagsasimula pa lamang siya sa pag-aartista sa Santiago Productions, ginamit niya ang pangalan ng kanyang kapatid na si Prudencio Baldivia. Nung bayaran na ng talent fee, isa umano siya sa pumila pero nabayaran na ang lahat ay hindi pa rin umano tinanawag ang kanyang pangalan kaya nilapitan nito ang field cashier ng production at tinanong kung bakit hindi pa siya tinatawag. Nang tanungin ang kanyang pangalan ay ibinigay niya ang Prudencio Baldivia. Sinabi umano sa kanya ng cashier na walang nakalistang pangalang Prudencio Baldivia pero naroon ang pangalang Dencio Padilla (na halos katunog ng kanyang pangalan). Magmula noon ay Dencio Padilla na ang ginawang screen name ng kanyang ama hanggang sa huli.

Padilla na rin ang ginamit na screen family name ng magkapatid na Dennis at Gene Padilla sa showbiz.

Panganay si Dennis sa walong magkakapatid pero sila lamang ni Gene ang pumasok sa showbiz. Gayunman, lahat sila ay nakapagtapos ng pag-aaral.

Pangarap noon ni Dencio Padilla na maging isang abogado pero hindi ito natuloy dahil sa kanyang pagpasok sa showbiz kaya gusto niya itong matupad ito sa kanyang panganay na anak na si Dennis pero hindi rin natuloy.

Si Dennis ay nagtapos ng kanyang college degree sa University of Santo Tomas pero hindi na ito tumuloy sa abogasya dahil din sa kanyang showbiz career.

Na-disappoint man ang kanyang yumaong ama na hindi niya tinupad ang pangarap na magkaroon ng anak na abogado, proud naman umano ito sa kanyang kanyang karera bilang actor-comedian at siyang nagpatuloy ng career na iniwan ng kanyang ama.

Unknown to many, si Dennis ay first cousin ng magkakapatid na Manny, Salud, Rodolfo, Jr., Freddie, Edgar at Rolly Quizon, mga anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy kay Engracita `Grace’ Dominguez.

“Pamangkin ko sa pinsan si Boy2 Quizon at mga anak ng mga pinsan ko” lahad ni Dennis.

Ang yumaong Tita Grace ni Dennis ay nakatatandang kapatid ng kanyang ina na si Catalina Dominguez-Baldivia.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE