Piolo Pascual

Piolo hinihintay pa rin si Judy Ann

May 23, 2021 Aster Amoyo 875 views

FORTY-four-year-old singer-actor-host-producer Piolo Pascual has three finished films and to start another three new films this year.

Tapos na gawin ni Piolo ang directorial debut ng actress-director-producer na si Alessandra de Rossi, ang “Fuffy and Freams” at malapit nang ipalabas. He has another finished movie with Jasmine Curtis-Smith na dinirek ni Paul Soriano under his own production, TEN17P and has another one with award-winning director na si Brillante Mendoza. Ayaw pang i-share ng actor ang tatlong bagong movie project na nakatakda niyang gawin sa taong ito.

Matapos niyang gawin ang primetime TV series na “Since I Found You” with Arci Munoz in 2018 ay sinabi niyang gusto muna niyang mag-focus sa paggawa ng pelikula kesa sa TV series. Pero bukas umano siya sa posibilidad na magbalik-TV kung si Judy Ann Santos ang kanyang makakapareha na huli niyang nakatrabaho in 2006 sa pamamagitan ng “Sa Piling Mo”.

Sina Juday at Piolo ay unang nagkatrabaho sa TV series na “Mara Clara” in 1995 na tumagal hanggang 1997. Muli silang nagkasama sa “Esperanza” TV series in 1998 na sinundan ng “San Puso Ko Iingatan Ka” in 2001 na nasundan ng lima nilang hit movies, ang “Esperanza: The Movie,” “Till There Was You,” “Kahit Isang Saglit,” “Bakit Di Totohanin” at “Don’t Give Up On Us”.

Isa noon ang tambalan nina Judy Ann at Piolo sa pinakamainit na loveteam both sa telebisyon at pelikula.

Kung bukas si Piolo na makatrabahong muli ang dati niyang ka-loveteam na si Judy Ann Santos, ano naman kaya ang reaction ng misis ni Ryan Agoncillo na si Judy Ann?

Pilita gusto nang mag-asawa si Janine

Janine Gutierrez and Rayver Cruz
Janine Gutierrez and Rayver Cruz

KUNG tutuusin, parehong nasa tamang edad na ang magkasintahang Janine Gutierrez at Rayver Cruz who are both 31 para magpakasal at bumuo ng sarili nilang pamilya. Pero hindi ito ang priority sa ngayon ng dalawa dahil pareho silang busy sa kanilang respective career, laluna si Janine na sunud-sunod ang proyekto both sa TV at pelikula.

Kung ang paternal grandmother ni Janine, ang Asia’s Queen of Song na si Pilita Corrales ang masusunod ay gusto na nitong magpakasal na ang kanyang apo na si Janine kay Rayver.

Si Rayver ay nakapag-invest na ng sarili niyang bahay. Paghahanda na kaya ito ng actor sa kanyang future family?

Ang tunay na dahilan bakit umalis si Yassi sa ‘Ang Probinsyano’

AFTER over five years being part ng top-rating and long-running action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang si Alyana, ang misis ni Cardo Dalisay played by Coco Martin , nagpaalam ang Fil-Brit singer-actress-dancer and celebrity endorser na si Yassi Pressman para bigyan ng pagkakataon ang sarili na makagawa ng pelikula at iba pang proyekto. Gustuhin man ni Yassi na manatili sa “Ang Probinsyano” ay hindi niya ito magawa dahil sa lock-in tapings dahilan naman para hindi siya makatanggap ng ibang proyekto.

Bukod sa pelikula, isa sa pagkakaabalahan ni Yassi ay ang pagiging host ng upcoming new game show sa TV5, ang local franchise ng isang British TV game show na “Rolling In It” hosted by Stephen Mulhern.

Ang “Rolling In It (Philippines)” to be hosted by Yassi ay nakatakdang magsimula sa June 5 (Saturday) at 7 p.m. at ookupahan nito ang dating time slot ng reality singing competition na “Born To Be A Star” na nagtapos sa ere nung nakaraang May 8 with Jehramae Trangia as grand winner. Ito’y produced ng Viva TV Production in cooperation with Cignal TV, Sari-Sari and TV5.

Dito ngayon masusubok ang husay ni Yassi bilang host.

Samantala, muling naalaala ni Yassi ang kanyang namayapang ama na si Ronald `Ronnie’ Pressman na sumakabilang-buhay nung February 6, 2020 sa edad na 90. Ang nakaraan niyang birthday ay first time na hindi niya kapiling ang kanyang mahal na ama.

Jhong hindi madali ang naging desisyon

Jhong Hilario
Jhong Hilario

TIYAK na hindi naging madali ang naging desisyon ng singer-dancer-turned actor-host-politician na si Jhong Hilario na kumalas sa tumatakbong ikatlong season ng singing impersonation contest na “Your Face Sounds Familiar” at magtake ng -leave of absence bilang isa sa hosts ng noontime show na “It’s Showtime.” Ang dahilan, gusto niyang ma-proteksyunan ang kanyang bagong silang na si Baby Sarina sa kanyang long-time partner na si Maia Azores.

Sa kabila ng ibayong pag-iingat at pagsunod sa health protocol, maraming celebrities pa rin ang kinakapitan ng Covid-19 coronavirus na siyang dahilan kung bakit pansamantalang huminto si Jhong sa kanyang trabaho.

Marami naman ang nanghinayang kay Jhong sa kanyang pagkalas sa “Your Face Sounds Familiar” dahil isa siya sa nagpakita ng husay sa panggagaya sa iba’t ibang music icons. Dalawang beses na siyang nanalo at malamang na pumasok siya sa grand finals na gaganapin this weekend.

Naunawaan naman ng mga tao behind “Your Face Sounds Familiar” kasama ang host ng Luis Manzano at mga judges na sina Sharon Cuneta, Gary Valenciano at Ogie Alcasid ang naging desisyon ni Jhong gayundin ang mga kasamahan niya sa noontime show na “It’s Showtime” na pinangungunahan ni Vice Ganda.

Malamang na ito rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik sa “It’s Showtime” at isa pa sa hosts ng programa na si Anne Curtis dahil gusto niya ring mapangalagaan ang kanyang one-year-old daughter na si Dahlia Amelie who turned one year-old last March 2.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE