Kimpau

Pink bike ni Kim regalo ni Paulo?

January 19, 2025 Vinia Vivar 130 views

Iniintriga ngayon ang pink bike ni Kim Chiu dahil ang hinala ng marami ay bigay iyon ng leading man at ka-loveteam niyang si Paulo Avelino.

Sa recent episode ng “It’s Showtime” ay binanggit kasi ni Darren Espanto na bumili nga ng bike si Kimmy.

“Saka bumili ‘yan ng bike, Tyang. Kasi gusto niya maging active,” pangangantyaw pa ni Darren.

Pumiyok naman agad si Kim at sinabing “Hoy, may bike na talaga ako… binigay ‘yung bike, bigay ‘yun.”

At hayun na nga, kinantyawan na ang Chinita Princess ng kanyang mga co-host.

“Bigay niya?” ang hirit sa kanya na hindi man binanggit kung sino, obvious na si Paulo ang ‘niya.’

Tawa lang nang tawa si Kimmy at sey na lang niya, “Hoy, tama na. Presscon?”

Kung sinusundan n’yo ang Instagram posts ng aktres ay makikita n’yo na laging gamit ni Kim ang kanyang bagong pink bike.

Una niya itong ginamit last October, 2024 at pinasalamatan pa niya si Paulo sa caption na kasama rin niyang nag-bike.

“First ride out with my pink bike!!! Finally after so long of wanting a pink bike, here it is!!!! Yahooooo!!!!! Out with the old, In with the new!!! thanks coach @siraoulo best of luck sa race this weekend and coach @anton7reales for the great ride out, cge na nga thanks also coach @pauavelino,” ang caption ng Chinita Princess.

AUTHOR PROFILE