Rufa

Rufa Mae ginagamit ng scammers sa panghihingi ng pera

January 19, 2025 Vinia Vivar 95 views

Dahil sa sitwasyon ni Rufa Mae Quinto ngayon na may kinakaharap na kaso, ginamit ito ng mga scammer para manghingi ng pera sa kanyang mga kaibigan using her name.

Sa kanyang legit Facebook account ay ibinahagi ng sexy comedienne ang message na natanggap ng isang friend niya using her name na humihingi ng pang-bail para sa kasong estafa na isinampa laban sa kanya.

Makikita sa screenshot na nanghihiram ang diumano’y si ‘Rufa’ ng P45,000 sa isang kaibigan para pandagdag sa kanyang bail.

Sa caption ay nilinaw ni Peachy (Rufa’s pet name) na hindi siya nanghihingi ng pera at hindi raw niya kailangan ang financial support from anyone.

“Mga scammers po asking money using my name. Wala po akong kailangan financial support Kahit kanino. And I’m not asking money Hinde ko po cel no. Yan at Hinde ako yan. Paki kalat nyo nga po please itong gusto mang hingi ng pera sa mga kakilala ko. Wag na kayo gumawa ng kwento at naireport ko na kayo sa lawyer ko. Friends be ware and aware! Salamat for sharing to all,” saad ni Rufa.

Kahapon ay may bago ulit ibinahaging screenshot ang sexy comedienne na message niya diumano sa isang friend at humihiram naman ng P55,000 para pambayad sa lawyer at sa next bail.

Makikita rin na ang name ng sender ay “Ruffa Mae Quinto” at hindi “Rufa” na right spelling ng pangalan niya.

Caption ni Rufa, “Mga friends wag nyo po ito bibigayn ng pera kasi he is using my name para ma mera. Isa syang scammer pero na report ko na po sya sa lawyer and sa police. Kaya tumigil ka na scammer using my name na mali spelling ng Ruffa. Kaya no no no! Please share na never ako nag ask ng pera pang bail kahit kanino. At kahit kelan di ako humihingi pera or help kahit kanino. Paki share guys.”

Hindi na sinabi pa ni Peachy kung nagpadala ba ng pera ang friends niya sa scammer but hopefully ay hindi naman.

DOLYARES NA PREMYO II-INVEST NI SOFRONIO SA MUSIKA

SofronioSa kanyang music career gagamitin ni Sofronio Vasquez ang kanyang napanalunang P5.9 million ($100,000) bilang grand champion ng “The Voice USA Season 26.”

“Gagamitin ko ‘yung pera na ‘yun, of course, as an investment du’n sa music,” sey ng singer sa panayam sa vlog ni Karen Davila.

“Kasi music talaga, eh. And now I was given the chance to penetrate the mainstream, which is America, gagamitin ko talaga ‘yun,” paliwanag niya niya.

“Kumbaga, if I have to produce myself, if I have to reach out to people, big names, always naman akong ganu’n. Kumbaga, a no is a no, and a yes is a yes. So, try lang ako. Kung makatanggap ako ng no, then move on to another,” dagdag pa ng singer.

Kasama rin sa premyo ni Sofronio ang isang recording contract sa isang music label.

“Meron din po ako talagang automatic na recording label du’n sa Republic Records,” aniya.

Sa isang bahagi ng panayam ay naging emosyonal ang singer habang nagpapasalamat sa kanyang mentor na si Michael Buble.

“Michael Bublé is just an amazing person. He’s so kind, he is very genuine sa akin kaya forever kong ite-treasure kung gaano niya ako minahal. Hindi man kami parehas ng lahi, pinaparamdam niya sa akin kung paano magmahal ‘yung isang tao kahit hindi mo kadugo,” teary-eyed niyang sabi.

Mensahe niya sa kanyang mentor, “If you’re watching this, thank you for this very moment and I’ll forever hold it in my heart that you are my blessing. You’re my hero na.”

AUTHOR PROFILE