Ultima

‘Pinatay,’ inilagay sa kabaong pero muling nabuhay

March 16, 2025 Aster Amoyo 301 views

Ultima1NASORPRESA ang mga dumalong entertainment media at vloggers sa `burol’ ng flagship product ng Frontrow International ng mag-business partners na sina RS Franccisco and Sam Verzosa, ang Luxxe White dahil animo’y totoong burol ang kanilang dinaluhan with matching kabaong, flowers and lights (for the wake), guests registry maging ang mga sine-serve na snacks – cornicks, tetra pack juices, water, arrozcaldo, various crackers at iba pa.

First time kaming nakadalo sa isang `burol’ na produkto ang nasa loob ng kabaong dahil ito’y simbolo ng `pagkamatay’ ng kanilang leading brand.

Isang linggo ring pinag-usapan sa mga news at social media ang balitang magsasara na umano ang Frontrow International na pag-aari ng mag-business partners na RS at Sam dahil `mamamatay’ na rin sa market ang kanilang leading product na nagsampa sa kanilang kumpanya ng maraming pera at nagpabago hindi lamang ng kanilang mga buhay kundi maging ng kanilang dealers and distributors at sa kanilang loyal clients for the last fifteen years. Kesyo nalulugi umano ang kumpanya kaya ito magsasara. Pero contrary sa pinaniniwalaan ng marami, going strong ang Frontrow International na involved sa isang multi-level marketing.

Kung `pinatay’ man sa market ang kanilang leading brand na Luxxe White hindi ito mawawala kundi lalo lamang itong in-improve at in-enhance at idinagdag sa brand ang word na ULTIMA – Luxxe White ULTIMA na lalo lamang nagpalakas, nagpatingkad at nagpatatag ng produkto sa market.

Kakaibang marketing strategy ang ginawa ng Frontrow International dahil hindi ito dumaan sa traditional way of launching a product that created a stir and curiosity sa mga tao.

Call it a crazy but brilliant idea and it worked to their advantage. Lalo pa umanong tumaas ang benta ng Luxxe White bago ito tuluyang mawala sa market.

Ano nga naman ang logic ng Frontrow na `patayin’ ang kanilang flagship brand na nagsampa sa kanila ng maraming pera?

Hindi pinatay but was only re-branded at ginawa itong Luxxe White ULTIMA. Nabuhayan naman ng loob ang mga dumalong dealers and distributors nang ipakilala na ang bago nilang product with matching new brand ambassadors, ang 2023 Miss Universe Philippines na si Michelle Marquez Dee at ang Kapuso star na si Rhian Ramos.

The grand event was hosted by King of Talk na si Boy Abunda at naging guest performer naman si Ice Seguerra along with a group of ballet dance group.

Sa mga nagpakalat ng fake news na magsasara na umano ang Frontrow International, brace yourselves dahil gusto pa rin nilang manatili sa number 1 position ang kanilang produkto na marami na ang gumaya.

Paalam, Delia Razon

DeliaDelia1SUMAKABILANG-buhay na ang veteran actress na si Delia Razon, ina ng dating actress na si Rea Reyes (ex-wife ng actor na si Rey `PJ’ Abellana) at lola ng Kapuso actress na si Carla Abellana nung nakaraang Sabado, March 15. She was 94.

Si Delia ay nagsimula sa kanyang showbiz career nung 1948 sa bakuran ng LVN. She was discovered by LVN Pictures’ Dona Narcisca de Leon na siya ring nagbigay ng kanyang screen name na Delia Razon.

Si Delia who is Lucy May Grytz in real life ay isinilang sa Iloilo City to a German father and Filipina-Spanish mother. She married Aurelio Reyes at nagkaroon sila ng tatlong anak at isa na rito si Rea Reyes. Ang dalawa pa ay sina Carl Glenn Reyes at Maria Aurelia Reyes.

First movie ni Delia ang “Awit na Bulag” nung 1948 na sinundan ng “Gitano” nung 1949, “Mutya ng Pasig” (1950) na sinundan ng “Florante at Laura,” “Prinsipe Amante,” “Dambanang Putik,” “Senorito,” “Lapu-Lapu” at marami pang iba. Naging ka-loveteam ni Delia si Rogelio de la Rosa. Nagpatuloy ang kanyang karera until early part ng 1980s. Ang huli niyang pelikulang ginawa ay ang “Gaano Kadalas ang Minsan”nung 1982 na tinampukan nina Vilma Santos, Hilda Koronel at Dindo Fernando at pinamahalaan ni Danny Zialcita under Viva Films.

Mavy mas naiintindihan na ang buhay sa loob ng PBB house

MavyMavy1EXCEPT for Gabbi Garcia, lahat ng hosts ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ay naka-experience ng buhay sa loob ng Bahay ni Kuya. Ang ibang hosts na sina Bianca Gonzales, Robi Domingo, Melai Cantiveros at Alexa Ilacad ay lahat naging housemate ng iconic house ni Big Brother samantalang ang bagong host na si Mavy Legaspi ay naging guest housemate sa loob ng limang araw.

Ngayong nasa outside world na si Mavy bilang isa sa hosts, mas lalo niyang nauwaan ang pakiramdam ng isang housemate at ang kanilang mga totoong kuwento sa kanilang mga buhay. Nakilala niya rin sa loob ng PBB house ang mga housemate at hindi niya napigilan ang maging emotional when it was time for him to exit upang ipagpatuloy ang kanyang journey sa labas ng bahay bilang isa sa hosts.

Masaya umano si Mavy sa kanyang naging experience sa loob ng PBB house. Proud twin sister naman sa kanya si Cassy Legaspi and their celebrity parents na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@astermaoyo and X@aster-amoyo.

AUTHOR PROFILE