BBM1

Pilipinas magiging aktibo sa global community — PBBM

June 12, 2024 Chona Yu 75 views

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na patuloy na magiging aktibo ang Pilipinas sa paglahok sa global community sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga polisiya ukol sa kapayapaan at interes ng bansa.

Sa pahayag ni Pangulong Marcos sa Vin D’honneur sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Malakanyang, sinabi nito na suportado ng Pilipinas ang rule of law at rules-based international order.

“Our foreign policy is grounded on the continuing promotion and work for peace, and the continuing promotion and work for our national interest,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Dumalo sa Vin D’honneur ang ilang opisyal ng pamahalaan at mga miyembro ng Diplomatic Corps sa pangunguna ng Papal Nuncio.

“On the global stage, we have taken positions in support of the rule of law and of the rules-based international order, grounded on the principles laid out in the UN Charter and multilateral conventions,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon kay Pangulong Marcos, patuloy na isusulong ng Pilipinas ang maayos na solusyon sa mga problema ng bayan.

“As we continue to promote diplomacy and dialogue in our efforts to “build bridges” in our various multilateral advocacies – such as for peace, economic development, climate change, amongst others – we shall endeavor to enhance engagements with bilateral, regional, [and] multilateral partners, especially in areas where cooperation has not yet reached its full potential,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Samantala, kumpiyansa naman si Pangulong Marcos na ang magandang branding ng gobyerno na ‘Bagong Pilipinas’ ay malaking tulong sa international community.

“With Bagong Pilipinas, it is with confidence that I say that we are engaging the world for our country and for our people,” pahayag ni Pangulong Marcos.

AUTHOR PROFILE