
Pinoys hinamon: Magkapit-bisig laban sa mga hamon ng basa
NAGHAMON ang pagbati ng mga senador sa kapwa Pilipino kaugnay ng selebrasyon ngayon Araw ng Kalayaan kung saan ay nagkakaisa ang boses nila upang ipaalala sa bawat PIlipino ang kinakaharap ng paghamon sa ating bansa sa gitna ng ibat ibang isyung kinakarap sa kasalukuyan panahon.
Ayon kay sa pangulo ng Senado na si Senate President Francis Chiz Escudero, nais niyang buksan ang isipan ang puso ng bawat Pilipino upang maghawak kamay at magkaisa ngayon na nagdiriwang ang buong bansa ng ika-126 na taun ng ating tunay na kalayaan matapos makamit ito sa mga mananakop ilang daan taun na ang nakararaan.
“Ang kalayaan na ating tinatamasa ngayon ay bunga ng mga sakripisyo at katapangan ng ating mga bayani. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa ating upang patuloy na magsumikap para sa isang mas maganda bukas,” ani Escudero kung saan ay umaapela siya sa bawat mamamayan na bigyan halaga ang ating kasarinlan, ang sakripisyo ng ating mga ninuno at katapangan na ipinakita nila laban sa mga dayuhan upang tayo maging malaya sa ngayon.
Para naman kay Senate Minority Leader Risa Hontiveros, ito ang panahon upang tumayo ang bawat isang Pilipino bilang isang bansa sa gitna nang dinadanas natin ng sa West Philippine Sea kung saan aniya ay pilit inaagaw sa ating ng isang dambuhalang dayuhan ang ating sariling karagatan.
“My kababayan, our freedom is being tested. Ngayong Araw ng Kalayaan, inuudyukan ko ang lahat na magsama-sama at matapang na tumindig para protektahan ang ating pambansang interes.”
“Patuloy ang panghihimasok ng China sa West Philippine Sea. Walang patid ang pangha-harrass laban sa ating mga mangingisda, Coast Guard at Navy. Tinataya nila ang kanilang kaligtasan at buhay sa tuwing naglalayag, kahit na panatag dapat silang naglalakbay sa karagatan natin. Patuloy nating ipaglaban ang ating karapatan sa ating teritoryo at labanan ang lahat ng pagtatangkang agawin ito mula sa atin at lahat ng likas yaman na nandito,” ani Hontiveros na nagsabing hindi dapat matakot ang sinumang Pilipino para ipaglaban ang kanyang sariling bayan at soberenya.
“Patuloy nating labanan ang mga pwersang nagnanais na hadlangan ang ating pag-unlad. Walang ibang titindig sa mga isyu na ito kundi tayong mga Pilipino,” dagdag ni Hontiveros kung saan ay sinabi niyang hindi dapat maduwag at mangilag ang sinumang Pilipino laban sa sinuman mananakop.
Ito rin ang mensahe ni Senate President Pro Tempore Jose Jinggoy Ejercito Estrada na umapela sa lahat ng Pilipino upang tumayo at lumaban sa ating karapatan bilang isang bansa .
Ani Estrada, mismo ang ating nakaraan at kasaysayan ang nagpapakita kung paano lumaban at nagbuwis ng buhay ang mga PIlipino na siyang dahilan kung bakit ngayon ay malaya natin itong tinatamasa.
“Bilang isang bansa na may malalim na kasaysayan sa pakikipaglaban para sa ating kasarinlan, nararapat nating bigyan ng bagong kahulugan ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.. Sa paggunita ng ika-126 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, ipakita natin sa buong mundo ang ating pagkakaisa at determinasyon sa pagtatanggol ng ating karapatan, mga likas na yaman, at teritoryong ating nasasakupan.Ang pagmamalasakit sa isa’t isa ay ang pinakamalakas nating sandata laban sa mga dayuhang pwersa na nagnanais baguhin ang ating teritoryo at pahinain ang ating soberanya. Ang tunay na diwa ng kalayaan ay ang pagiging handa na ipaglaban ito sa tuwing hinahamon tayo.” ani Estrada.
Para kay Sen. Joel Villanueva , napapanahon na para ipakita ng bawat PIlipino na hindi siya magdadalawang isip na lumaban para sa kapakanan ng kanyang bayan at para sa tunay na kalayaan.
“Ngayong ika-126 na taon ng Kalayaan ng Pilipinas, mas umiigting po ang hamon at panawagan sa bawat Pilipino na protektahan at ipagtanggol ang ating Kalayaan. Sa gitna po ng pambu-bully at sapilitang pagkamkam ng China sa ating mga teritoryo sa West Philippine Sea, inaasahan po natin na katulad ng ipinamalas noon ng ating mga ninuno, tayo rin po ay maninindigan ngayon para sa ating kasarinlan. Sa kabila po ng mga pagsubok sa West Philippine Sea, nagbibigkis at hindi nagkakawatak-watak ang mga Pilipino at buhay na buhay ang pagmamahal natin sa ating minamahal na bansa.” ani Villanueva na sinabi rin higit sa lahat ay dapat maging inspirasyon ng sinuman PIlipino ang pakikipaglaban ng ating mga ninuno para sa ating kalayaan na ipinagdiriwang sa ngayon.
Ang Caviteño naman na si Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. na siyang nanguna sa pagdiriwang na ginanap sa mismong Dambana ni Emilio Aguinaldo in Kawit, ay nagsabing hindi kayang tawaran ang buhay na ipinagpalit ng ating mga sinaunang Pilipino na hindi natakot lumaban sa mga mananakop at ito aniya ay hindi rin dapat kalimutan ng sinuman sa atin.
“Daang taon man ang lumipas, hindi malilimutan ang dakilang sakripisyo ng ating mga ninuno. At magpakailanman, ito ay tatanawin nating utang na loob sa kanilang nag-alis ng tanikalang bumihag sa ating inang bayan, sa kanilang nag-alay ng dugo at buhay upang makamtan ang mga tinatamasa nating kasaganaan, kapayapaan at kalayaan,” ani Revilla.
“Kasaysayan ang testigo sa mga landas na ating tinahak, at ito na rin mismo ang saksi sa katotohanang hindi bago sa atin ang mga pag-subok. Ngunit anumang hagupit ng tadhana, hindi nagpatinag ang lahing Pilipino na pinanday na ng panahon. Isang bayang hindi na muling magpapagapi. Isang bayang paulit-ulit na itataas ang bandilang simbolo ng kapayapayan, kasarinlan at katarungan. Ito mismo ang taunan nating ipinagdiriwang — ang diwang walang maliw ang kabayanihan at kadakilaan,” dagdag pa ng senador mula sa Cavite.
Ayon naman kay Sen. Joseph Victor Ejercito Estrada, ang Araw ng Kalayaan ay isang pagpapaalala sa lahat ng Pilipino sa katapangan at pakikipaglaban at mga sakripisyo ng mga sinaunang tao para makamit ng kasalukuyan henerasyon ang tinatamasang kalayaan.
“Their efforts and love for this nation have given us the independence that we are enjoying at the present. May this be a reminder that we continue to enrich and defend this freedom. We should alwys think of the welfare of our people in every action and decision we make in life,” pagpapaalala ni Ejercito.
Inamin naman ni Sen. Grace Poe na matinding pagsubok ang kasalukuyan kinakaharap ng maraming Pilipino at ng buong bansa dulot ng isyu ng WPS dahil na rin sa patuloy na pagpapakita ng hindi makatarungan aksyon laban sa ating mamamayan na siyang tumatayo para sa ating karapatan sa pinagtatalunan karagatan.
“In many years, our independence has never been challenged the way it is being tested now — with aggressions in our seas; illegal POGOs creeping into the economy and perhaps, politics; and the nonchalance of some to wrongdoings, injustice and indigence. We have systems of government, laws and the Constitution in place for a functioning democracy. But we need the resolve, efficiency, and courage to do things right.”
“There can be no true progress if we yield our rights and dignity as a nation.Ginawa na ng ating mga bayani ang kanilang tungkulin para sa mga Pilipino. Panahon natin ngayon na ipagpatuloy ang pagtatanggol sa bansa para manatiling malaya.” ani Poe.
Ang pananaw naman ni Senate Minority Leader Aquilino Koko Pimentel ay dapat umanong magising ang bawat Pilipino na dapat at napapanahon na para magsikap ang bawat isa upang labanan ang totoong kalaban at ito aniya ay ang kahirapan na dinadanas ng marami sa ating sa araw araw. Ang gutom , kahirapan at dinadanas na paglobo ng presyo ng mga bilihin ay ang makabagong kaaway na ating kinakaharap sa kasalukuyan.
“We should be reminded and reflect to the sacrifices made by our forefathers. We have to cherish the independence of the Republic of the Philippines and commit ourselves to the spirit of freedom and democracy,” ani Pimentel.
Sinang ayunan naman ni Sen. Robinhood Padilla ang sinabi ni Pimentel kung saan ay iginiit niyang dapat maging matapang ang sinuman PIlipino na lumaban sa hamon ng buhay sa gitna ng mga kahirapan at pagsubok na dinadanas ng bansa bunga ng ibat ibang mga nangyayari sa buong mundo na apektado ang ating bansa.