
‘Pieta’ ni Nora, kulang sa commercial viability?
MUKHANG ‘di pa nakakapag-move on ang ilan sa naging resulta sa pagpili ng mga official entry na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2023.
Usap-usapan ang diumano’y pagkadismaya ng mga fans ni Nora Aunor sa di pagpasok ng pelikula ng kanilang idol. At ang nakakatawa pa ay ang umano’y paninisi nila kay Vilma Santos. Mukhang binubuhay nila ang rivalry ng dalawa. The two superstars used to be the fiercest rivals in the MMFF. Ito yung mga panahon na sa magkabilang daan nakaabang ang fans ng dalawa sa pagdaan ng mga float sa Parade of Stars. Those were the days when fans really fought tooth and nail just to see their idols.
Back to Ate Guy’s movie. Bakit nga ba di nasali sa official list ng MMFF 2023? The main goal of the holiday film festival is to give Filipino moviegoers a wide selection of movies for the whole family. Wala naman duda kung kalidad ang pag-uusapan sa pelikulang ‘Pieta’. Dahil siguradong binusisi ito ng direktor na si Adolf Alix, Jr at ni Alfred Vargas na siyang bida at producer ng pelikula. Vargas is obviously proud of his film, which obviously is a passion project. ‘Pieta’ also serves as a bragging right for the actor-politician that he has worked with the National Artist. Sabi nga sa showbiz, hindi raw makukumpleto ang career ng isang artista, direktor o writer hanggat hindi nila nakakatrabaho ang Superstar.
Another criterion that seems to be lacking with ‘Pieta’ is its commercial viability. This is actually a major concern of the film festival committe because they want to help boost the local movie industry. Big factor din ang mga cinema operators. Dahil pinu-pull out nila ang mga kulelat na pelikula sa box office sa kabila ng madalas ipakiusap ng filmfest committe na huwag i-pull out kaagad. Well, you can’t blame them for obvious reason.
Kung nakapasok ang ‘Pieta’ nina Ate Guy at Alfred, magiging first day-last day showing kaya ito gaya ng narinig namin? Just asking…
Disclaimer:
Para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]