Pia

Pia Wurtzbach Mrs. Jauncey na

May 6, 2023 People's Tonight 260 views

NASORPRESA ang mga fans ng dating Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach matapos ibalita na sila ay kasal na ng kaniyang long-time entrepreneur partner na si Jeremy Jauncey na ginanap sa isang private island sa bansang Seychelles nitong March 24, Biyernes.

Sa kaniyang post diumano sa instagram, ibinahagi ni Pia ang ilang mga kuhang litrato at video na kasama ang kaniyang long-time boyfriend na si Jeremy.

“Forever and Always, ani Pia sa caption sa kaniyang post.

Mapapansin na sa mga ibinahaging mga litrato nito sa kaniyang personal account, makikitang nakasuot siya ng white long fitted-gown na ipinares sa suot na puting polo ni Jeremy.

Aniya, sa isang komento ng netizen sa Twitter na nagtanong diumano patungkol sa plano nilang kasal ni Jeremy.

“Absolutely no plans yet, but for sure i want a private and intimate wedding,” saad nito.

Dagdag pa niya, “Enough of my life is on social media and there are things I wanna keep to myself.”

Napagdesisyunan daw nilang dalawa na gawing pribado ang kanilang kasal dahil sa gusto nitong maging maayos ang daloy nito.

Ang ilan naman sa mga kaibigan nito ay nagbigay ng mga komentong pagbati at papuri sa post ni Pia.

“Congratulations Mr. & Mrs. Jauncey! Welcome to the next adventure of your lives” aniya Karla Henry.

“Congratulations Ate P! So much love in this video!,” komento ni Ms. Universe Contestant, Rabiya Mateo.

“I love how it felt so intimate, so serene, and how much love there is! Congratulations!,” saad ni Nicolo Cosme.

Naging engaged ang dalawa noong Mayo 2022 habang sila ay nagbabakasyon sa Amanpulo, Palawan. Ni FIDES GERONIMO (OJT)

AUTHOR PROFILE