PRC Larawan: PRC

PH may 23,782 elem teachers, 53,995 high school educators

December 9, 2023 People's Tonight 138 views

UMABOT sa 77,777 ang bagong mga guro ng bansa matapos pumasa sa Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) nitong Setyembre 2023.

Ang pagsusulit ay isinagawa sa 40 testing centers sa bansa, gayundin sa Thailand.

Ang mga miyembro ng Board for Professional Teachers na nagsagawa ng pagsusulit ay sina Dr. Rosita L. Navarro, chair; Dr. Paz I. Lucido, vice-chair; at Dr. Paraluman R. Giron at Dr. Nora M. Uy, mga miyembro.

Pumalo sa 47.01 percent ang passing rate para sa elementary teachers dahil sa 23,782 ang pumasa mula sa 50,593 na examinees sa naturang lebel.

Mayroon namang 56.26 percent ang passing rate ng secondary teachers dahil 53,995 mula sa 95,969 examinees ang pumasa sa nasabing lebel.

Nanguna sa elementary level sina Dulce Angeline Arellano at Chelsea Tiaga, na kapwa mula University of Santo Tomas at parehong nakakuha ng 94.40 percent.

Si Trilbe Lizann Vasquez naman ng University of the Philippines – Cebu ang nanguna sa secondary level matapos niya makamit ang 94.80 percent.

Samantala, nakuha naman naman ng pinakamataas na passing rate ang University of Santo Tomas (91 out of 91) at Cebu Technological University – Argao (55 out of 55) matapos makamit ng parehong pamantasang ang 100 passing rate.

Gayundin, University of Santo Tomas din ang nanguna sa secondary level, pasado ang 137 mula sa 139 examinees o 98.56 percent.

Maaaring ma-access ang listahan ng mga pumasa sa elementary level sa pamamagitan ng link na ito: https://drive.google.com/file/d/1bKOGI0kxck7AJIRXKG3_ws7LXI8RbHT-/view.

Narito naman ang buong listahan ng mga pumasa sa secondary level: https://drive.google.com/file/d/14cDuw2ahBPacxUbgAjAHvXl-EjDyuniq/view.

AUTHOR PROFILE