PRC Larawan: Professional Regulation Commission/FB

PH may 216 bagong sanitary engineers

March 1, 2024 People's Tonight 70 views

UMABOT sa 216 ang sanitary engineers ng bansa matapos pumasa sa Sanitary Engineers Computer-Based Licensure Examination nitong Pebrero 2024.

Ang pagsusulit ay isinagawa sa mga testing center sa N.C.R. at Rosales.

Ang mga miyembro ng Board of Sanitary Engineering na nagsagawa ng pagsusulit ay sina Engr. Corazon Delos Reyes-Romero, chair; at Engr. Anthony Jerome M. Lara at Engr. Graciano B. Calayan Jr., mga miyembro.

Pumalo sa 70 percent ang passing rate dahil sa 216 ang pumasa mula sa 300 na examinees.

Nanguna sa naturang exam si Angelie Jade Alonzo mula sa National University-Manila, na nakakuha ng 84.88 percent.

Samantala, nanguna naman ang University of Baguio pagdating sa pinakamataas na performance rate. Ito ay matapos makuha ng naturang pamantasan ang 88.89 percent — 16 ang pumasa mula sa 18 examinees.

Maaari namang ma-access ang listahan ng mga pumasa sa pamamagitan ng link na ito: https://drive.google.com/file/d/1kUgDGAxJEcbGLN63ArrAhYQKC6QgpsRh/view.

AUTHOR PROFILE