DFA

PH kaisa ng UNSC na malutas krisis sa Gaza

June 21, 2024 Edd Reyes 118 views

ISA ang Pilipinas sa pumuri sa pagtutulungan ng mga bansang kasapi ng United Nations Security Council para magpasa ng resolusyon na lulutas sa tumitinding krisis sa Gaza.

Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), nagpapatibay ang ipinasang Resolutions S/RES/2735 sa pangako ng international community na panindigan ang pagpapanatili ng katahimikan at katatagan sa rehiyon.

Muling nanawagan ang Pilipinas sa agarang tigil-putukan, pagpapalaya ng mga hostage at pagbibigay ng tulong sa mga mamamayan ng Gaza.

Nakasaad pa sa kalatas ng DFA na ang pangmadaliang implementasyon ng mga hakbangin kinakailangan para mapakalma ang dinaranas na paghihirap ng mga inosenteng sibilyan na naipit sa bakbakan

Ang Pilipinas nananatiling nakatuon sa pagsuporta sa mga hakbangin na nakatutok sa mapayapang pagtatapos ng bakbakan sa Gaza.

AUTHOR PROFILE