
CAAP naglabas ng NOTAM kaugnay ng flight activities ng China
NAGLABAS ang Civil Aviation Authority of the Philippines CAAP ng Notice to Airmen (NOTAM) kaugnay sa mga special aerospace flight activities ng China.
Tinukoy ng NOTAM ang mga lugar kung saan maaaring bumagsak ang hindi pa nasusunog na mga debris mula sa kalawakan.
Magkakabisa ang pinakabagong NOTAM sa Hunyo 29 mula alas-7:49 hanggang alas-9:33 ng gabi.
Magbibigay ang CAAP ng mga update kaugnay pa rin sa gagawing special aerospace flight activities ng China.