Pelikula ni Maris nanalo sa Berlin

February 22, 2025 Aster Amoyo 254 views

Mariz1MAITUTURING na very challenging year ang taong 2024 sa singer, actress and young entrepreneur na si Maris Racal dahil sa maraming nangyari sa kanyang personal na buhay.

It was in July last year nang magkahiwalay sila ng kanyang boyfriend, ang music icon na si Rico Blanco ending their almost five-year relationship. Sabay ng kanilang paghihiwalay ay saka naman pumalo nang husto ang kanilang tambalan ni Anthony Jennings na nauwi naman sa matinding kontrobersiya late last year nang magkaroon ng leak ang private conversation nina Maris at Anthony gawa ng ex-GF ni Anthony na si Jamela Villanueva.

Maris was made to believe ni Anthony na hiwalay na sila ng dating kasintahan nito. There was also deceit on the part of the Kapamilya actor. Pero tulad ng ibang mga kontrobersiya at iskandalo, unti-unti ring nag-die down ang issue at back to normal ang lahat laluna sa part nina Maris at Anthony na magkasama ngayon sa primetime action-drama series na “Incognito” kung saan tampok na mga bituin sina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geilser at Kaila Estrada.

Bukod sa hit primetime TV series na “Incognito,” si Maris ang pangunahing bida ng pelikulang “Sunshine” mula sa panulat at direction ni Antoinette Jadaone and produced ng Project 8 Projects nila ni Direk Dan Villegas. The movie brought Maris and the rest of the “Sunshine” team to Berlin, Germany for the Berlin International Film Festival kung saan kalahok ang pelikula sa 14plus category. Luckily for the “Sunshine” team, ang nasabing pelikula ang nakapag-uwi ng Best Feature Film or Crystal Bear of the generation 14plus youth jury film.

Ang nasabing international film fest ay first time na nadaluhan ni Maris and it was quite an experience for her na hindi umano niya makakalimutan.

Maganda ang takbo ng career ngayon ni Maris at masuwerte rin siya dahil nabibigyan siya ng magagandang proyekto.

Ang “Sunshine” movie ni Maris was screened in a 1,000-sitting capacity full house theater in Berlin, Germany for the Berlin International Film Festival.

Malayo na nga ang narating the 2014 Pinoy Big Brother: All In 2nd Big Winner who was transformed into a talented singer, songwriter and actress. Bukod dito, isa rin siyang entrepreneur sa pamamagitan ng kanyang sariling coffee shop in La Union, ang Stream of Consciousness Coffee.

Samantala, hindi malinaw kung patuloy ang pagiging special friends nina Maris at Anthony matapos dumaan ang dalawa sa matinding kontrobersya.

Bagong serye memorable kay Julia

JuliaJulia1SIMULA sa March 3, 2025 ay mapapanood na ang much-awaited comeback TV drama series ng mahusay na actress na si Julia Montes na pinagsasamahan nila ng megastar na si Sharon Cuneta at ang child actresss na si Zia Grace. Kasama rin sa serye sina Sam Milby, Jennica Garcia, Elisse Joson at Christian Bables mula sa pamamahala nina F.M. Reyes at Dolly Dulu.

Julia plays the role of Anna na isang elementary school school teacher.

Very memorable kay Julia ang kanyang bagong serye dahil ito ang kahuli-huling proyektong ipinagkatiwala sa kanya ng namayapang si Deo Endrinal, ang head ng Dreamscape Entertainment.

Habang ginagawa ni Julia ang “Saving Grace” ay hindi niya puwedeng makalimutan si Deo, isa sa mga taong nagtiwala sa kanyang kakayahan bilang actress. Malaki rin ang naging bahagi ni Deo sa buhay ng kanyang longtime sweetheart na si Coco Martin.

Magsisilbi namang reunion project nina Julia at Sharon ang “Saving Grace”. Ang dalawa ay unang nagsama sa “FPJ’s Ang Probinsiyano” na pinagbidahan ni Coco.

Andrea may bagong BF

AndreaMUKHANG masaya na naman ang puso ngayon ng 21-year-old Kapamilya young star na si Andrea Brillantes dahil naispatan itong may ka-date nung nakaraang Valentine’s day, ang varsity basketball player from San Beda na si Samuel `Sam’ Fernandez, isang Filipino-Jordanian.

Isang makapal na pink roses boquet ang ibinigay ni Sam kay Andrea on their Valentine’s date.

Bago si Sam, Andrea was previously in a relationship with Seth Fedelin at ang basketball player na si Ricci Rivero. Na-link din siya sa ex-boyfriend at ka-loveteam ni Kathryn Bernardo na si Daniel Padilla at naging dahilan umano ng break-up ng dalawa after 11 years in a relationship.

Speaking of Andrea, magiging bahagi na rin siya ng hit action-drama primetime TV series na “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin who is also the creative director at isa sa mga director ng serye.

PBB sa GMA marami pang sorpresa

MavyMUKHANG exciting ang nalalapit na pagsisimula ng “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” dahil bukod sa mga datihan nang hosts ng reality talent show tulad nina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Enchong Dee, Kim Chiu at Melai Cantiveros, mapapasama rin bilang hosts ang dalawang Kapuso stars na sina Gabbi Garcia at Mavy Legaspi. Although hindi pa nire-reveal ang mga Kapamilya at Kapuso talents na magiging housemates, ngayon pa lamang ay marami na ang nai-excite.

Ang unang “Pinoy Big Bother Celebrity Collab Edition” ay matutunghayan na simula sa darating na March 9 on GMA maging sa magkakahiwalay na digital and social media platforms ng ABS-CBN at GMA.

Ang ABS-CBN’s produced noontime show na “It’s Showtime” ay naka-ere ngayon sa GMA at kasunod na rito ang nalalapit na “PBB Collab Edition” sa pagitan ng ABS-CBN at GMA Network.

Jennica at mga anak maayos na ang buhay

PicTHANKFUL ang 35-year-old single mother actress of two na si Jennica Garcia na sunud-sunod ang mga blessings na dumarating sa kanya kaya nakalipat na siya at dalawa niyang anak na sina Mori at Alessi (sa kanyang ex-husband, ang actor na si Alwyn Uytingco) sa medyo malaki-laking condo mula sa kanilang nirentahang studio-type condo.

Natutuwa umano ang kanyang dalawang anak dahil meron na umanong hagdanan ang loft condo two-bedroom unit na kanilang nilipatan.

Pangarap siyempre ni Jennica na makabili siya ng sarili nilang tirahan ng kanyang mga anak kesa nagrerenta lamang sila but for now ay wala umano siyang option kundi ang mangupahan muna.

Si Jennica ay kasama sa cast ng drama series na “Saving Grace” na magsisimula nang mapanood ngayong March 3.

Si Jennica ay panganay sa dalawang anak ng seasoned singer-actress na si Jean Garcia na napapanood naman sa “Lolong: Bayani ng Bayan” series ng GMA at pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

Aya at John engaged na

Pic1ENGAGED na ang magkasintahang model and former beauty queen na si Aya Abesamis at ang actor-model na si John Spainhour matapos nila itong ibahagi sa kanilang Instagram account ngayong February 20.

Si Aya ay model at dating Bb. Pilipinas-International nung 2019 habang actor-model naman si John. Ang dalawa ay parehong nagpapatuloy ng pagmu-modelo sa amerika.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTAlK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube Channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.

AUTHOR PROFILE