Regine

Regine namilipit sa sakit ng likod

February 22, 2025 Vinia Vivar 172 views

Ilang oras bago ang “Reset” concert ni Regine Velasquez sa Samsung Performing Arts Theatre nu’ng isang gabi ay nag-tweet ang Asia’s Songbird at humihingi ng dasal dahil sa back pain na nararamdaman.

Sa kanyang X account ay ikinuwento ni Regine ang pain na nagsimula pa nu’ng Huwebes habang nagre-rehearse siya for the concert.

“So yesterday I was doing a run through, I went very early and was waiting in the dressing room. I was pretty much just sitting down almost the whole time,” simulang kwento ni Regine.

Maya-maya ay tumayo raw siya at dito na niya naramdaman ang sobrang sakit to the point na halos hindi na siya makatayo’t makalakad.

“Finally run through na again I was sitting down while I sing some of the songs in the middle of one song I decided to stand up kasi medyo sumakit na yung likod ko dahandahan pa ko tapos bigla na lang extreme pain that I was having a hard time standing up,” aniya.

Nag-take na raw siya ng medicine pero hindi pa rin nawala ang pain.

“Like I can’t barely walk pero hindi ko na lang pinapahalata but I think everyone could see I’m in pain so I took some meds waley so I finished lang the run and went home,” tsika ng misis ni Ogie Alcasid.

Pagdating sa bahay ay masakit pa rin kaya hindi siya nakatulog nang maayos.

“Gosh the car ride was excruciating got home took meds again and hot compress. Was not able to sleep properly coz it was just too painful hay,” sey ni Songbird.

Medyo okay na siya ngayon pero hindi pa totally nawawala ang pain.

Mabuti na nga lang daw at malayo ito sa lalamunan na siyempre ay siyang pinaka-importante lalo pa nga’t may concert siya.

“Took some meds again parang ngayon palang tumalab im ok now. it’s still painful but not as painful buti na lang malayu sa lalamunan,” aniya.

Sinigurado ni Regine na sisipot siya sa concert.

“Please pray for me kasi normally when I’m standing with (heels) on that’s when my back would hurt. But yah I’ll see you tonight,” aniya.

“Lakas makamatanda!!!!!” hirit pa ng iconic diva.

AUTHOR PROFILE