BBM

PBBM: Walang Pinoy ang malulubog sa baha

June 6, 2024 Chona Yu 70 views

TARGET ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang Filipino ang malulubog sa baha.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa pagbisita sa Tagum City sa Davao del Norte, inatasan nito ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na madaliin at tapusin na ang mga flood control project.

“Pagsusumikapan natin na sa mas lalong madaling panahon ay walang Pilipinong nakalubog sa baha at sa kahirapan. Ito po ang Bagong Pilipinas,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag habang papasok ang panahon ng La Nina.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na ginagawa na rin ngayon ng pamahalaan ang iba pang mga disenyo ng flood control projects.

Hindi kasi aniya pang-flood control ang proyekto kundi pwede na rin itong ipunan ng tubig na gagamitin sa irigasyon, gayundin sa mga bahay.

Ayon pa sa Pangulo kung kakayanin pa aniya ay lalagyan din nila ito ng solar para makapag generate ito ng kuryente na libre galing sa araw.

“Sa panahon ng tagtuyot at tag-ulan, kaagapay niyo kami sa pagbangon tungo sa mas maunlad na buhay,” dagdag ng Pangulo.

AUTHOR PROFILE