Czech

PBBM sa mga Czech: Bumisita sa Pilipinas

March 15, 2024 Chona Yu 87 views

INIMBITA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga taga-Czech Republic na bumisita sa Pilipinas.

Sa bilateral meeting ni Pangulong Marcos kay Czech Republic Prime Minister Petr Fiala sa Praque, sinabi nh Pangulo na dapat maranasan ng mga Czechs ang hospitality ng mga Filipino at mabisita ang mga magagandang tourist destination.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na inaayos na ng Pilipinas ang mga regional airports para maging international airports upang mapataas ang bilang ng mga turista.

“Hopefully, we will see more of your citizens coming to the Philippines. And I can see that this is an area that will continue to increase for us.

It’s very happy to welcome friends, come, visit the Philippines. We take pride in the Filipino hospitality, and we take pride in our beautiful country, as in, of course, you do.

But that’s why I think that this is a third time, an area of third time development,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Napapanahon, ayon sa Pangulo, na palakasin ang people-to-people exchanges ng dalawang bansa lalo pa at ikinukunsidera ng Pilipinas na pampalakas ng ekonomiya ang sektor ng turismo.

AUTHOR PROFILE