
PBBM sa mga bagong PMA graduates: Depensahan ang atin
PINAALALAHANAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos Jr. ang mga nagtapos sa Bagong Sinag Class of 2024 ng Philippine Military Academy (PMA) na patuloy na igiit at depensahan ang teritoryo ng Pilipinas sa sino mang dayuhan na mag-aangkin dito.
Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa commencement exercises ng PMA graduates sa Baguio City, sinabi nito na hindi dapat na magpadala ang mga Filipino sa sino mang magtatangka na hatiin ang bansa at maghasik ng gulo.
Bilin ni Pangulong Marcos sa PMA graduates, tiyakin na ligtas ang mga Filipino at depensahan ang bansa sa ano mang uri ng banta.
“These are intruders who have been disrespecting our territorial integrity. We will vigorously defend what is ours. But our conduct must always be guided by law and [by] our responsibility as a rules-abiding member of the community of nations,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Hindi maikakaila ayon sa Pangulo na may banta ngayon sa Pilipinas.
“We will be adept, we will be flexible, and we will be ready in repelling such things,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Kasabay nito, inatasan ni Pangulong Marcos ang Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) nai-review ang curriculum ng PMA.