
PBBM namahagi ng relief goods sa mga biktima ng bagyo sa Navotas
PERSONAL na namahagi si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng relief goods sa mga biktima ng Bagyong Carina at habagat sa Tanza, Navotas.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng relief goods matapos ang situation briefing sa Presidential Security Command sa Malakanyang at bisitahin ang command center sa Valenzuela City pati na ang evacuation center sa Malanday National High School.
Una rito, sinabi ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian na nasa 360,228 family food packs ang naipamahagi na sa National Capital Region at sa Central Luzon.
Nasa 33,000 pamilya ang nanatili sa mga evacuation centers.
Nasa 90,000 na relief packs na ang naipamahagi sa Region IV-A, 38,000 sa Region IV-B, 20,000 sa Region V.
Sinabi pa ni Gatchalian na sa ngayon, nasa 360,000 pa ang nirere-pack at ipamamahagi kaagad sa mga biktima ng bagyo.