Default Thumbnail

Bangkay ng bebot natagpuan sa ilog sa QC

July 25, 2024 Melnie Ragasa-limena 87 views

NATAGPUANG lumulutang sa ilog sa Quezon City ang bangkay ng babae noong Miyerkules sa Quezon City.

Nasa edad 15-20-anyos, 5’5 ang taas, katamtaman ang katawan, kayumanggi at walang saplot ang bangkay, ayon sa mga pulis.

Batay sa pagsisiyasat, nakuha ang bangkay dakong alas-11:41 ng gabi sa Tabing Ilog Plaza St., Kaingin Bukid, Brgy. Apolonio Samson, Quezon City.

Nai-report ng ilang residente sa Philippine Coast Guard na may babaeng nalunod at posibleng inanod.

Nagsagawa ng retrieval operation PCG ang kasama ang ilang opisyal ng Brgy. Apolonio Samson at nakuha ang bangkay ng biktima.

Pinalalagay na nahulog ang biktima sa ilog sa kasagsagan ng bagyo at tumama ang ulo sa bato na ikinamatay nito.