BBM Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos

PBBM, FL Liza Marcos nag-mukbang ng Jollibee

April 22, 2024 Chona Yu 124 views

SIMPLE pero romantic ang naging weekend nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos.

Sa Facebook post ni Pangulong Marcos, makikitang nag-enjoy ang First Couple sa pagkain ng Jollibee.

Fried chicken, hamburger at palabok ang naging mukbang nina Pangulong Marcos at First Lady Liza.

Ayon kay Pangulong Marcos, naging inspirasyon niya ang pagkain ng mga produkto ng Jollibee matapos bisitahin ang isa sa mga branch nito ni New Zealand Prime Minister Christopher Luxon.

“The recent stop of PM Luxon of New Zealand to Jollibee reminded me how long its been since we’ve eaten there so . . . the FL Liza and I are having a delicious Jollibee dinner tonight,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Aminado naman si Pangulong Marcos na hindi naging masaya ang kanyang nutritionist.

“My nutritionist is unhappy with me so I told her to direct her concerns to PM Luxon,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Thank you PM Luxon for the inspiration!!” dagdag ng Pangulo.

Matatandaang kamakailan lamang ay ipinagdiwang ng First Couple ang ika-31 wedding anniversary nila.

AUTHOR PROFILE