Delima Dating Senador Leila de Lima

LEILA KAY SARA: ALIS NA SA DEPED!

April 22, 2024 Chona Yu 95 views
Sara
Vice President Sara Duterte

MATAPOS aminin ni First Lady Liza Marcos na “bad shot” na sa kanya si Vice President Sara Duterte, pinagbibitiw na ni dating Senador Leila de Lima ang bise presidente bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay de Lima, dapat na mamili si Duterte kung kakampihan niya ang kanyang pamilya na bumatikos kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. o kondenahin ang anti-administration rallies, kung nais nitong manatili bilang miyembro ng gabinete.

Para kay de Lima, tila namamangka sa dalawang ilog si Duterte.

Malinaw din aniya na ang loyalty ni Vice President Sara ay nasa kanyang pamilya na tahasang bumabatikos kay Pangulong Marcos at kabilang sa mga sinasabing nananawagan para maalis sa puwesto ang punong ehekutibo.

Hindi nagustuhan ni First Lady Liza ang pagtawa ni Duterte nang tawaging bangag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Marcos.

AUTHOR PROFILE