
PBBM dapat may panagutin sa malawakang pagbaha
ISINUSULAT ko ito’y unti-unting bumabangon ang daang libo nating kababayan na labis naapektuhan ng malawakang pagbaha bunsod ng ngitngit ng Super Typhoon Carina.
Nakalulungkot na maraming ari-arian ang nawasak, mga sasakyan, mga istraktura, establisimentong pangkalakaran at higit na masakit sa lahat ay may mga iniulat ding namatay at nasaktan.
Tulad ng dati, balik są pamamahagi ng relief goods, paglimas ng tubig, turuan at sisihan.
Higit na nakalulungkot ay nangyari ito dalawang araw matapos ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Bongbong Marcos kung saan ay ibinida niya ang mga tone-toneladang nahakot na basura at pagpapagawa sa 5,500 flood control sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ang masaklap dito, hinanap ng ating mga kababayan ang sinabing ipinagawang flood control ng pamahalaan.
Ang ganitong klaseng puna ng ating mga kababayan ay maiiwasan sana kung binibigyan ng tamang datos ang Pangulong Marcos.
Sa ganang akin, dapat ay magkaroon ng masinsinang imbestigasyon kung bakit ganun kalaki ang pininsala ng bagyong Carina.
Marapat lamang na alamin kung saan nagkulang?
Sino rin ang nag-feed sa kanya na may flood control ang nabangga ng barko? Kung totoo ito, anong barko at ano o sano lugar na flood control project ang nabangga?
Dapat ay maraming ulo ang gumulong dito.
Dapat lang na may papanagutin si PBBM tungkol dito.
Samantala, napapanahon nang bumalangkas ng komprehensibong master plan upang tuluyan nang gumanda ang daluyan ng mga tubig baha mula sa ating kabahayan, karayunan ang Manila de Bay.
Napapanahon ding paigtingin ang kongkretong urban planning higit lalo ay wala talagang nakapipigil są problema sa climate change.