Mabigat na problema sa susunod na pangulo ng US
MABIGAT ang sasalubong na problema sa susunod na pangulo ng United States of Amerika.
Sa January 2025 magsisimula ang termino ng incoming President—hindi natin alam kung si Trump ba ulit yan o si Vice President Kamala Harris na dahil sa pagbabago ng political climate nang umatras si Biden. Pero isa lang ang sigurado, hindi na makakalimutan ng mga mamamayan ng US of A si President Joe Biden!
Sa haba ng kasaysayan ng Amerika, sa termino lang ni Biden bumagsak nang husto ang kanilang ekonomiya. Ang mga prime tourist destination gaya ng Los Angeles, San Francisco at iba pang lugar sa California ay nagmistula nang isang malaking basurahan.
May mga naglalabas ng realtime video mula San Franscico’s fisherman’s warf na nagsara na ang maraming tindahan at restaurant sa lugar. Maging ang Beverly Hills high end stores, kasama na ang mga coffee shops at luxury stores sa mismong Rodeo Drive ay nagsara na rin.
Ang mga atraksiyon sa Holywood Blvd sa LA rin ay nagsara na rin pati mga restaurants. Ang mga bangko gaya ng Wells Fargo ay nagsara na rin.
Ang Downtown LA ay naubos na ang mga tindahan dahil tumigil na mag-operate ang mga negosyante doon. Sangkatutak na rin ang mga negosyong nagsara sa Las Vegas.
Ang dahilan, walang habas silang pinapasok ng mga looters, mga shoplifters at dumalang na ang mga nagpupuntang turista.
At ang mga main street sa LA kasama na ang iba pang mga kalsada sa San Francisco ay pinamumuragan na ng mga homeles, mga drug addict at mga street muggers. Ang Civic Center sa downtown Sanfo na dati nang sentro ng homeless ay naging colony na sa dami nila.
Nakakalungkot ang sinapit ang bansang pinapangarap ng lahat dahil sa kanyang karakter na “land of milk and honey.” Pati nga pala iyong Macy’s biggest department store sa Union Square sa San Francisco magsasara na rin. Ang Target, Wallmart at mga malalaking pharmacy ay nagsara na rin sa ibang mga lugar.
Matindi rin ang problema sa peace and order dahil talamak ang break-in ng mga magnanakaw sa mga tindahan.
Sa susunod na presidente ng US, good luck!