Patrick Guzman sumakabilang buhay sa Canada

June 17, 2023 Aster Amoyo 3630 views

SUMAKABILANG-buhay na ang dating model-turned actor na si Patrick Guzman dahil sa atake sa puso sa Toronto, Canada kung saan na ito ngayon naka-base with his family.

Ito ang malungkot na balita na aming natanggap mula kay Blessy Arias, ang long-time partner ng actress na si Rosanna Roces.

We texted Chiqui Pineda and good friend Beverly Vergel na sa Toronto rin naka-base for details pero wala pa kaming reply na natanggap up to this writing.

Si Patrick ay nagsimula bilang isang celebrity endorser ng isang kilalang brand ng watch na kanyang naging daan sa pagpasok sa showbiz. He was most in demand sa paggawa ng pelikula noon bilang lead actor at nakagawa siya ng almost forty movies bago siya nag-relocate sa Canada with his family. He has a non-showbiz wife nasi Chat at isang anak na si Aiden.

Nakagawa rin siya ng pelikula sa Canada na pinagtambalan nila ni Beverly Vergel na siya ring nagsulat at nagdirek, ang “Bromance: The Movie”. Nung siya’y nasa Pilipinas pa, naging part siya ng programang “Ready, Set, Go!” ng ABS-CBN and did quite a number of movies tulad ng “Una Kang Naging Akin,” “Sa Piling ng Iba,” “Chick Boy,” “You and Me Against The World,” “Kung Ako Na Lang Sana,” “Lakas ng Pag-ibig,” “Malikotna Mundo,” “Sisa,” “Tatapatan Ko Lakas Mo,” “Mga Babae sa Isla Azul,” “Hatiin Natin ang Ligaya,” “Campus Scandal,” “Selosa,” “Frame Up,” “Halik ng Bampira,” “Asawa Mo, Misis Ko,” “Pretty Boy,” “Ikaw,” “Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko, “ “Koronang Itim,” “Muntik ng Maabot ang Langit” at iba pa.

Nung aktibo pa sa kanyang showbiz career sa Pilipinas si Patrick, he was under the management of Leo Dominguez.

During his prime, isa sa pinaka-in demand leading man si Patrick na naging `crush ng bayan’ ng mga babae at gays.

We’ve known Patrick for quite sometime nang ito’y gumawa ng ilang pelikula sa bakuran ng OctoArts Films at kasama na rito ang launching movie ng singer-actress na si Jennifer Mendoza, ang “Muntik Nang Maabot ang Langit”.

He was a nice person, respectful at maganda ang PR.

Bayani sobrang proud sa anak

BayaniSOBRANG proud ang actor-comedian at host na si Bayani Agbayani (Bayani Rogacion, Jr.) at ang kanyang misis na si Lenlen Rogacion sa pagtatapos sa kolehiyo ng kanilang second daughter na si Rosanlinda Marie. Hindi lamang ito basta nagtapos kundi bitbit nito ang pagiging summa cum laude sa kanyang pagtatapos ng Tourism Management major in Travel Operations and Service Management sa University of Sto. Tomas (UST) nung June 15, 2023 (Thursday).

Ang mag-asawang Bayani at Lenlen ay may apat na anak na pawang babae – sina Maria Thalia, Rosalinda Marie, Mary Mar at Marian Sabrina. Ang mga pangalan ng kanilang anak ay hango sa tinaguriang Queen of Latin Pop, ang Mexican star, singer-actress na si Thalia (Ariadna Thalia Sodi Miranda) maging ang titulo ng hit telenovela nito noon tulad ng “Rosalinda,” “Marimar” at iba pa.

Lenlen is a big fan of the Mexican singer-actress.

Ang panganay na anak ng mag-asawang Bayani at Lenlen na si Thalia ay may asawa na, si James Carlos, ang half-brother ng actress-vlogger at entrepreneur na si Bea Alonz, at meron na silang isang anak, si Santi na mahal na mahal ng Kapuso actress. Ang dalawa pa na sina Mary Mar at Marian ay pareho pang nag-aaral.

Si Bayani ay nagtapos ng Mass Communications sa Polytechnic University of the Philippines

Jayson another proud dad

ISA pang proud dad ang ex-PBB housemate and 2nd placer-turned actor-comedian-host na si Jayson Gainza whose daughter, Ruby Jayson Gainza graduated cum laude sa Psychology sa University of Sto. Tomas (UST).

Jhong nagtapos ng kolehiyo sa edad 46

JhongPROUD din ang singer, dancer, host at politician na si Jhong Hilario na nagtapos namang magna cum laude sa Political Science degree sa Arellano Univesity.

Sa kabila ng kanyang pagiging family man, politician, host ng noontime showna “It’s Showtime” at iba pa niyang activities, naisingit pa rin ni Jhong ang kanyang pag-aaral at siya’y nagtapos sa edad na 46.

Si Jhong na nagsimula sa pagiging member ng 90s dance group na Streetboys kung saan kabilang din ang kasamahan niya sa “It’s Showtime,” ang dancer, actor-comedian at host na si Vhong Navarro.

Jhong is also a proud dad sa kanyang two-year-old daughter na si Sarina sa kanyang partner na si Maia Azores.

The actor, dancer, host at politician is now serving his last term bilang councilor ng 1st district ng Makati na pinagsilbihan din ng kanyang amang si Virgilio, Sr. ng tatlong termino.

Bukod sa kanyang parents, proud din kay Jhong ang kanyang longtime partner na si Maia and his “It’s Showtime” family na pinangungunahan ni Vice Ganda.

Taong 1993 nang maging bahagi si Jhong ng kilalang all-male dance group na The Street Boys naitinatag at pinamahalaan ng veteran award-winning director nasi Chito Rono na siya ring pinagmulan ninaVhong Navarro, Spencer Reyes (who migrated to Scotland), Joey Andres, Chris Cruz, Michael Sesmundo, Joseph de Leon, Nicko Manalo at iba pa. Kainitan noon ng other male dance groups tulad ng UMD Dancers ng WEA at Octo Maneouvres ng OctoArts. Three years later ay nag-debut siya bilang actor in 1996 at napasama siya sa maraming pelikula tulad ng “Muro Ami,” “Dekada `70” at iba pa. Naging bahagi rin siya ng now-defunct longest-running action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan nakilala ang kanyang character na si Homer `Alakdan’ Echavez.

It was in 2016 nang mag-desisyon siyang tumakbo sa pagka-konsehal ng unang distrito ng Makati na sinundan nung 2019 and 2022.

Si Jhong ay naging bahagi rin ng “Miss Saigon” sa West End in London, England kung saan siya tumagal ng one year and two months. It was during this time nang makilala niya ang kanyang ex-wife, ang British national na si Michelle Westgate. They got married in 2005. Pero ang kanilang pagsasama ay nauwi sa divorce in 2011 at hindi sila nagkaroon ng anak.

Cultural differences ay isa sa mga dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ni Michelle na ayaw mag-settle sa Pilipinas. Years after ay nakilala naman niya ang kanyang present partner na si Maia with whom he has a two-year-old daughter.

AUTHOR PROFILE